Hydrocortisone, pramoxine, chloroxylenol drops - otic

Paddock Laboratories | Hydrocortisone, pramoxine, chloroxylenol drops - otic (Medication)

Desc:

Ang Hydrocortisone ay isang klase ng steroid na nagpapaimpis ng pamamaga at pamumula; ang Pramoxine ay isang pampamanhid na gumagana sa pamamagitan ng paghadlang sa pagpapadala ng pain signals mula sa nerve patungong utak; at ang Chloroxylenol naman ay isang antibiotic na nilalabanan ang bakterya. Ang kombinasyon ng medikasyong ito ay naglalayong gamutin ang impeksyon sa labas na bahagi ng tainga tulad ng swimmer's ear. Gamitin lamang ang gamot na ito ng naayon sa direksyon ng eksperto at doktor. Sundin ang panuto na nakasaad sa talaan. ...


Side Effect:

Ang medikasyong ito ay karaniwang ginagamit at kadalasang walang ibang nakasasamang epekto. Kung sakaling makaranas ng mga sumusunod, mangyari lamang na ihinto ang medikasyon at kumonsulta sa iyong doktor: paglabas ng likido sa tainga, malalang pangangati sa tainga o matinding sakit, iritasyon o pantal. Ang alerdyi ay hindi karaniwan ngunit kung makaranas ng mga pantal, pangangat, hirap sa paghinga, pagsikip ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha, mangyari lamang na kumonsulta sa doktor or espesyalista. ...


Precaution:

Siguraduhing kumonsulta sa doktor kung ikaw ay may kahit na anong klase ng alerdyi bago pa man sumailalim sa medikasyon. Ipagbigay alam kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o nakaranas ng mga sumusunod na kondisyon: butas sa eardrum (ruptured tympanic membrane), nakakahawang sakit tulad ng vaccinia o bulutong, opera sa tainga, impeksyon at pamamaga ng gitnang bahagi ng tainga. Ang gamot na ito ay hindi maaring gamitin ng mga buntis at nagpapasuso nang walang reseta ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».