Hydrocortisone, yerba santa drops - otic
Allergan | Hydrocortisone, yerba santa drops - otic (Medication)
Desc:
Ang Yerba santa ay mas kilala sa tawag na eriodictyon, tarweed, consumptive's weed, bear's weed, mountain balm, at gum plant. Ang yerba santa ay isang mahalimuyak na halaman na karaniwang makikita sa kabundukan at kagubatan ng California, Oregon at Timog Mexico. Ito ay karaniwang ginagamit bilang palamuti. Ang mabalahibo at mahaba nitong mga dahon ay malagkit at ang bulakbulak nito ay nagtataglay ng puti hanggang maputlang lilang kulay. Ang Hydrocortisone ay isang klase ng steroid na tumutulong sa pag-impis ng pamumula, pamamaga at pangangati. Samantalang ang Yerba santa naman ay ginagamit sa pagkawala ng iristasyon at pag-moisturize ng balat. Ang kombinasyon ng medikasyong ito ay ginagamit sa paglunas ng pangangati sa tainga. ...
Side Effect:
Sumangguni sa iyong doktor kung makaranas ng kahit ano sa mga sumusunod na sintomas: bago o paglala ng pamumula/pamamaga/pagsakit/iritasyon sa loob o labas ng tainga. Ang seryosong allergic reaction sa gamot na ito ay malimit na maranasan. Humingi ng atensyong medikal kung nakaranas ng kahit anong sintomas ng seryosong allergic reaction, kabilang ang mga sumusunod: pagpantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha, dila, lalamunan), matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Walang klinikal na ebidensiya ang sumusuporta sa recomendasyon sa tamang dami ng pagkonsumo ng yerba santa. Karaniwan, 1g ng halaman ng yerba santa ang ginagamit bilang panlunas sa ubo at wala namang natalang kontradiksyon sa natulang dami nito. Iwasan ang paggamit kung ikaw ay nagdadalantao o nagpapasuso dahil ito ay walang sapat na klinikal na pagsusuri. Wala ring tala ukol sa toxicity ng topical o sistematikong paggamit ng yerba santa. Ang paggamit ng produktong ito sa mga bantang may edad 2 pababa ay hindi nirerekomenda maliban na lamang kung ito ay nireseta ng doktor. Ang ibang halamang gamot ay napatunayang nagtataglay ng delikadong karagdagang sangkap. ...