Hydroquinone
American Home Products Corporation | Hydroquinone (Medication)
Desc:
Ang hydroquinone ay nagpapababa ng pagbuo ng melanin sa balat. Ang melanin ay isang pigment sa balat na nagbibigay dito ng kayunmngging kulay nito. Ang hydroquinone ay ginagamit upang lumiwanang ang maiitim na parte ng balat tulad ng pekas, age spots, chloasmaat melasma. Maraming gamit ang hydroquinone dahil ito ay isang klase ng reducing agent na natutunaw sa tubig. Ang pangunahing bahagi nito ay tinatawag na mentol na ginagamit sa pagbubuo ng laraawan mapa-film man o papel sapagkat pinapalitan nito ang silver halides upang maging elemental silver. Maaring mawala ng hydroquinone ang isa H+ upang makabuo ng diphenolate ion. Ang disodium diphenolate salt ng hydroquinoneay ginagamit sa pagsasalitan ng co-monomer sa pagbubuo ng polymer PEEK. ...
Side Effect:
Madalang ang napakalalang alerdyi sa gamot na ito. Gayunpaman, sumangguni sa doktor kung makaranas ng alinman sa mga sumusunod: malalang alerdyi, pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Itigil ang paggamit at ipagbigay-alam sa doktor kung makaranas ng alinman sa sumusunod: pagpantal, pagbibitak ng balat, pag-itim/asul ng balat. ...
Precaution:
Ipagbigay-alam sa iyong doktor (bago pa man ito gamitin) kung ikaw ay mayroong: asthma, iba pang kalaagayan sa balat (eczema, psoriasis). Bago gumamit ng produktong ito, ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist kung ikaw ay may alerdyi sa sunscreen pati na rin sa avobenzone o sulfites. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...