Loratadine

Unknown / Multiple | Loratadine (Medication)

Desc:

Ang Loratadine ay isang antihistamine na nagbabawas sa mga epekto ng natural na kemikal na histamine sa katawan. Ang histamine ay pwedeng magprodyus ng mga sintomas ng pagbahing, pangangati, nagluluhang mga mata, at makating ilong. Ang Loratadine ay ginagamit upang gamutin ang mga sintomas ng alerhiya, tulad ng pagbahing, nagluluhang mga mata, at makating ilong. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang pamamantal ng balat at pangangati sa mga taong mayroong kronik na mga reaksyon sa balat. ...


Side Effect:

Ang gamot na ito ay kadalasang walang mga epekto. Kung ikaw ay mayroong kahit anong hindi pangkaraniwang mga epekto, kontakin ang iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, sakit sa atay. Kung ikaw ay mayroong pamamantal at niresetahan ka ng loratadine ng iyong doktor, o kung kinukonsidera mo ang paggamit ng gamot upang gamutin ang iyong pamamantal, sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit ano sa mga sintomas na ito dahil maaaring ang mga ito ay senyales ng higit na seryosong kondisyon: mga pamamantal na hindi pangkaraniwan ang kulay, pamamantal na parang pasa o paltos, pamamantal na hindi nagangati. Ang mga nangunguyang tableta ay maaaring may lamang aspartame. Kung ikaw ay mayroong phenylketonuria (PKU) o kahit anong ibang kondisyong nangangailangang higpitan mo ang paggamit ng aspartame (o phenylalanine), konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng gamot na ito. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».