Testosterone - intramuscular
Unknown / Multiple | Testosterone - intramuscular (Medication)
Desc:
Ang testosterone ay kabilang sa isang klase ng mga gamot na kilala bilang androgens. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-apekto sa mga sistema ng katawan upang ang katawan ay maaaring makabuo at gumana nang normal. Ginagamit ang testosterone sa mga kalalakihan na hindi gumagawa ng sapat na likas na sangkap na tinatawag na testosterone. Sa mga lalaki, responsable ang testosterone para sa maraming normal na paggawa, kabilang ang paglaki at pagbuo ng mga maselang bahagi ng katawan, kalamnan, at buto. Ang testosterone at maaring gamitin sa mga kabataang lalaki na magdulot ng pagbibinata sa mga naantala ang pagbibinata. ...
Side Effect:
Ang pinaka karaniwang epekto ay: pagduwal, pagsusuka, sakit ng ulo, pagbabago ng kulay, pagdami/pag-unti ng sekswal na interes, mamantikang balat, pagkalagas ng buhok at tagihawat ay maaring maganap. Ang pananakit at pamumula sa bahagi na iniksyon ay maaring mangyari. Kung alinman sa mga epekto ay mananatili at lumala, sabihin agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Sabihin sa iyong doktor kaagad kung mayroon kang seryosong epekto , katulad ng : pagbabago sa pag-iisip/ kalooban (katulad ng pagkabalisa, depresyon, labis na galit) hirap sa pagtulog/ paghilik, tanda ng seryosong sakit sa atay (katulad ng nanatiling pananakit ng sikmura/ pagduwal, hindi karaniwang pagkapagod, paninilaw ng mata/balat, madilaw na ihi). Kung ikaw ay lalaki, sabihin agad sa iyong doktor kung alinaman sa mga bihira ngunit seryosong masamang epekto ay nagaganap: hirap sap pag-ihi, pamamaga ng suso/ paglambot, masyadong madalas / matagal na pagtayo. Bihira na ang mga lalaki ay maaaring magkaroon ng isang masakit o matagal na pagtayo na tumatagal ng apat o higit pang mga oras. Kung nangyari ito, itigil ang paggamit ng gamot na ito at humingi ng agarang medikal na atensyon, o kung ang mga permanenteng problema ay maganap. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong palatandaan ng pagpapanatili ng tubig o pagpalya ng puso ay mangyari:nabawasan ang kakayahang mag-ehersisyo, mga kamay / bukung-bukong / namamaga na paa, hindi karaniwang pagkapagod, igsi ng paghinga habang nakahiga. Ang isang napaka-seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Gayunpaman, kumuha kaagad ng tulong medikal kung napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi, kabilang ang: pantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang testosterone, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng mga hindi aktibong sangkap (tulad ng sesame oil), na nagdudulot ng reaksyong alerdyi at iba pang mga problema. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kung mayroon kang ilang mga kondisyong medikal. Bago gumamit ng gamot, ay kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon kang: sakit sa suso sa lalaki, kanser sa prosteyt. Bago gumamit ng gamot, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ang kolesterol, mataas na presyon ng dugo , paglaki ng prosteyt, sleep apnea, diyabetis. Kung ikaw ay may diyabetis, ang produkto ay maaring makapagpababa ng antas ng iyong blood sugar. Ang gamot na ito ay maaring makaapekto sa iyong kolesterol at maaring makapagpataas ng panganib sa iyo nang problema sa puso o mga problema sa daluyan ng dugo (coronary artery disease). Ang doktor ay susubaybay ng mabuti sa antas ng iyong kolesterol. Pinapayuhan ang pag-iingat sa paggamit ng gamot sa mga bata dahil ang paglaki ng buto ay maaring maapektuhan. ...