Ubidecarenone
Sanofi-Aventis | Ubidecarenone (Medication)
Desc:
Ang Coenzyme Q10 (ubidecarenone) ay isang sangkap na normal na ginagawa ng iyong katawan. Ginagamit ito ng iyong katawan upang ikaw ay manatiling malusog. May ilang produkto ng halamang gamot/suplemento ang nakitaan ng posibleng pagkakaroon ng masasamang sangkap. Ginagamit ito upang mapigilan ang matinding pananakit ng ulo at upang mapigilan ang pagkasira mga mga selula na maaring mangyari pagkatapos ng operasyon o paggamot gamit ang gamot sa kanser. Ang Coenzyme Q10 ay ginagamit para sa mga sakit sa puso (halimbawa: pagpalya ng puso, angina), mataas na presyon ng dugo, Parkinson's disease, sakit sa gilagid, at iba pang sakit na namamana sa mga kapamilya (Huntington's disease, paghina ng mga kalamnan). ...
Side Effect:
Ang seryosong alerhiya sa produktong ito ay bihira. Gayunpaman, humingi ng agarang medikal na atensyon kung ikaw ay nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas ng seryosong alerhiya: pamamantal, pangagati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), malubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang pagduduwal, pagkawalang gana sa pagkain, pananakit ng tiyan, o pagtatae ay madalang mangyari. Makipagugnayan agad sa iyong Doktor kung lumala ang alinman sa mga nabanggit na sintomas. ...
Precaution:
Hindi inirerekomenda sa mga Buntis at Nagpapasuso ang paggamit ng gamot na ito ng walang payo galing sa Doktor. Pinapayuhang mag-ingat ang mga mayroong dyabetis, dependensya sa alak, sakit sa atay, phenylketonuria (PKU), at iba pang sakit na kailangang iwasan o limitahan ang paggamit ng mga sangkap na ito. Kung ikaw ay may karamdaman na tulad ng mga sumusunod, kumonsulta muna sa iyong Doktor o Parmasyutiko bago gumamit ng produktong ito: dyabetis, sakit sa puso. Abisuhan ang iyong Doctor o Parmasyutiko kung ikaw ay may alerhiya sa sangkap na ito o iba pang alerhiya bago uminom ng coenzyme Q10. ...