Aldex

Perrigo | Aldex (Medication)

Desc:

Ang Aldex/diphenhydramine at phenylephrine ay ginagamit upang gamutin ang makati o baradong ilong, pagbahing, matubig na mga mata, at sinus na kondyestiyon na sanhi ng mga alerhiya, karaniwang sipon, o trangkaso. Ang Diphenhydramine ay isang antihistamine na nagbabawas sa mga natural na kemikal na histamine sa katawan. Ang histamine ay pwedeng magprodyus ng mga sintomas tulad ng pagbahing, pangangati, matubig na mata, at makating ilong. Ang Phenylephrine ay isang decongestant na nagpapakipot sa mga ugat sa daan ng ilong. Ang malawak na ilong ay pwedeng magsanhi ng pagbabara sa ilong (baradong ilong). ...


Side Effect:

Ihinto ang paggamit ng medikasyong ito at tumawag sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong seryosong epekto dito: mabilis, kumakabog, o hindi pantay na tibok ng puso; pagkalito, halusinasyon, hindi pangkaraniwang pag-iisip o asal; umiihi ng mas kaunti kaysa kadalasan o wala talaga; matinding pagkahilo, pagkabalisa, pakiramdam na walang kapahingahan, o pagkakaba, madaling pagpapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang panghihinga, lagnat, ginaw, sakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; tumaas na presyon ng dugo (matinding sakit ng ulo, malabong paningin, hirap sa konsentrasyon, sakit ng dibdib, pamamanhid, sumpong); o pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, kulay-putik na dumi, paninilaw (paninilaw ng balat at mga mata). Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay maaaring may kasamang: malabong paningin; tuyong bibig; pagduduwal, sakit ng tiyan, konstipasyon; pagkahilo, pagkaantok; problema sa konsentrasyon; pagtining sa iyong mga tainga; malumanay na kawalan ng ganang kumain; init, pangingilabot, o pamumula sa ilalim ng iyong balat; pakiramdam ng pagkasigla o walang kapahingahan; problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog) o pamamantal o pangangati. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong kahit ano sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa kahit anong gamot, o kung ikaw ay may: hika; sakit sa puso o altapresyson; dyabetis; karamdaman sa teroydeo; glawkoma; sakit sa bato; lumaking prosteyt; o mga problema sa pag-ihi. Huwag gagamit ng kahit anong ibang medikasyon sa ubo, sipon, alerhiya, o pagtulog ng walang reseta ng hindi muna nagtatanong sa iyong doktor o parmaseutiko. Kung ikaw ay gumagamit ng ilang mga produkto ng sabay, maaaring aksidenteng masobrahan ka sa isa o maraming uri ng gamot. Iwasan ang paggamit ng mga tabletang pangdiyeta, tabletang kapeina, o ibang pampasigla (tulad ng medikasyon sa ADHD) ng walang abiso ng iyong doktor. Ang paggamit ng pampasigla kasabay ng decongestant ay pwedeng magpataas sa iyong panganib sa mga hindi kaaya-ayang epekto. Iwasan ang pag-inom ng alak habang gumagamit ng gamot na ito. Ito ay pwedeng dumagdag sa pagkaantok na dulot ng antihistamine. Ang medikasyong ito ay pwedeng magsanhi ng mga epekto na maaaring magpahina ng iyong pag-iisip o reaksyon. Mag-ingat sa pagmamaneho o paggawa ng kahit anong nangangailangang gising ka at maagap. Huwag ibibigay ang medikasyong ito sa mga batang may edad na mas mababa sa 2 tao. Palaging tanunging ang iyong doktor bago magbigay ng gamot para sa ubo at sipon sa bata. Ang kamatayan ay maaaring mangyari mula sa maling paggamit ng mga gamot sa ubo at sipon para sa mga sobrang batang mga bata. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».