Almogran
Janssen Pharmaceutica | Almogran (Medication)
Desc:
Ang Almogran/almotriptan ay ginagamit upang paginhawahin ang mga atake ng sobrang sakit ng ulo ng mayroon o walang awra. Ang Almogran ay hindi dapat na gamitin upang gamutin ang aktwal na atake ng sobrang atake ng ulo at hindi para pigilin ang mga atake ng sobrang sakit ng ulo o mga sakit ng ulo. Palaging gamitin ang Almogran ng eksaktong gaya ng sinabi ng iyong doktor. Dapat kang magpasuri sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi sigurado. ...
Side Effect:
Ang mga seryosong epekto ay maaaring may kasamang: pakiramdam ng sakit o pagsisikip ng iyong panga, leeg, o lalamunan; sakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na kumakalat sa braso o balikat, pagduduwal, pamamawis, pangkalahatang sakit na pakiramdam; biglang pamamanhid o panghihinga, lalo sa isang bahagi ng katawan; biglang matinding sakit ng ulo, pagkalito, problema sa paningin, pananalita, o balanse; bigla at matinding sakit ng tiyan at madugong pagtatae; pamamanhid o pangingilabot at maputla o kulay asul na hitsura ng iyong mga daliri sa kamay o paa; o kung ikaw ay gumagamit rin ng mga anti-depressant – agitasyon, mga halusinasyon, lagnat, mabilis na tibok ng puso, sobrang aktibong mga repleks, pagduduwal, pagsusuka,pagtatae, kawalan ng koordinasyon, pagkahimatay. Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay maaaring may kasamang: tuyong bibig, pagduduwal, pagsusuka; presyur o mabigat na pakiramdam sa kahit anong parte ng katawan; malumanay na sakit ng ulo (hindi sobrang sakit ng ulo); pagkahilo, pagkaantok; o init, pamumula, o malumanay na pangingilabot sa ilalim ng iyong balat. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinmas sa mga senyales ng reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa pamamaga ng mukha, mga labi, dila, o lalamunan. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Almogram, dapat kang makipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya, kasama ang mga alerhiya sa mga pagkain, pangkulay sa pagkain, o preserbatibo. Ipabatid sa iyong tagapagbigay ng serbisyong medikal kung ikaw ay mayroong:anghina, iregular na ritmo ng puso, o kasaysayan ng atake sa puso; mataas na presyon ng dugo (altapresyon); mataas na kolesterol; ilang mga kondisyon sa ugat, tulad ng peripheral vascular na sakit, ischemic bowel na sakit, o penomena ni Raynauld; dyabetis; mga problema sa bato, kasama ang pagpapalya ng bato (pagpapalyang renal); mga problema sa atay, kasama ang pagpapalya ng atay o sirosis; depresyon. Hayaang malaman ng iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay: naninigarilyo; may pampamilyang kasaysayan ng sakit sa puso; nag-menopos na. Dapat mong sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan ang tungkol sa lahat ng iyong mga gamot na iniinom, kasama ang may reseta at walang resetang gamot, mga bitamina, at mga suplementong erbal. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...