Alu - Tab
3M Pharmaceuticals | Alu - Tab (Medication)
Desc:
Ang Alu Tab ay ginagamit para sa kaginhawahan ng sakit na peptic ulser at ng kondisyon ng sobrang asido sa tiyab. Ang medikasyong ito ay gumagana lamang para sa umiiral na asido sa tiyan. Hindi nito pinipigilan ang produksyon ng asido. Ito ay maaaring gamitin ng mag-isa lamang o kasama ang ibang mga medikasyon na nagpapababa ng produksyon ng asido (halimbawa, H2 blockers tulad ng cimetidine/ranitidine at proton pump inhibitors tulad ng omeprazole). Ang Alu Tab ay isang antasido, kaya nama nineutralisa nito ang mga asidong matatagpuan sa tiyan upang paginhawahin ang mga sintomas ng sakit na peptik ulser. Ang aluminyong sangkap ay nagpoporma rin ng mga compound kasama ng pospeyt sa malaking bowel na tumutulonog sa katawang maglabas ng sobrang pospeyt (na maaaring kailanganin sa sakit ng bato). Kung ikaw ay gumagamit ng medikasyongito upang bigkisin ang pospeyt, inumin ito gamit ang bibig, kadalasan ay 3-4 na beses sa isang araw o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang pagnguya ng tableta ay nakatutulong sa antasidong gumawa ng mas mabuti. Ang mga kapsula ay maaaring lunukin ng buo, ngunit kung ikaw ay nahihirap sa paglunok ng mga kapsula, kausapin ang iyong doktor tungkol sa ibang mga paggagamot na pagpipilian. Kausapin ang iyong doktor o parmaseutiko tungkol sa paano iiskedyul ang iyong mga medikasyon upang mapigilan ang problemang ito. Kung ang iyong mga problema sa asido ay tumagal o lumala pagkatapos ng paggamit ng produktong ito sa loob ng isang linggo, o kung iniisip mong mayroon kang seryosong problemang medikal, humingi ng agarang atensyong medikal. ...
Side Effect:
Maraming taong gumagamit ng medikasyong ito ang walang seryosong epekto. Upang bawasan ang konstipasyon, uminom ng tubig at mag-ehersisyo. Ang paggamit ng antasidong may lamang magnesya kasama ang produktong ito ay pwedeng tumulong sa pagpipigil ng konstipasyon. Ang mga pampalambot ng dumi ay maaari ring makatulong. Ang mga antasidong may lamang aluminyo ay sumasama sa pospeyt, isang mahalagang kemikal sa katawan, sa tiyan. Humingi ng agarang atensyong medikal kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto o sintomas ng seryosong problemangmedikal ang mangyari: maitim/mahirap ilabas na mga dumi, pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, pagkalito), malalim na tulog, sakit sa pag-ihi, sakit sa tiyan, suka na parang kapeng durog. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay maaaring may lamang asukal. Ang pag-iingat ay inaabiso kung ikaw ay mayroong dyabetis. Tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Bago gamitin ang Alu-Tab, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa aluminium hydroxide o kung ikaw ay mayroong alinman sa mga sumusunod na problema sa kalusugan, konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko bago gumamit ng produktong ito: madalas na pag-inom ng alak, matinding pagkawala ng tubig sa katawan (dehaydrasyon/restriksyon ng likido), mga problema sa konstipasyon, mga problema sa bato (kasama ang mga bato sa bato). Huwag sisimulan, ihihinto, o babaguhin ang dosis ng kahit anong gamot bago ipasuri kasama ang iyong doktor o parmaseutiko muna. Ang mga antasido ay pwedeng sumalungat sa pagsipsip ng ibang mga gamot. Kung malaktawan mo ang dosis, gamutin ito agad kapag naalala mo maliban nalang kung malapit na ito sa oras para sa iyong susunod na dosis. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...