Angiox
Medicines Company | Angiox (Medication)
Desc:
Ang Angiox ay isang anticoagulant, ibig sabihin pinipigilan nito ang pamumuo ng dugo. Ang aktibong substansya sa Angiox, bivalirudin ay isang gawa ng taong substansya na kinuha mula sa hirudim, isang substansyang anticoagulant na ipinrodyus ng mga linta. Hinaharangan nito ang isa sa mga substansyang sangkot sa pamumuo, na tinatawag na thrombin. Ang thrombin ay mahalaga sa proseso ng pamumuo ng dugo. Ang Angiox ay nagbabawas sa panganib ng pamumuo ng dugo. Ito ay pwedeng tumulong sa pagpapanatili ng pagdaloy ng dugo sa puso sa mga pasyenteng mayroong anghina o atake sa puso at pwedeng magpataas sa pagkaepektibo ng PCI. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epekto ng Angiox ay menor na pagdurugo. Ang pagduduwal, pagsusuka, pangangasim ng sikmura, sakit ng ulo, o menor na pagdurugo/iritasyon sa bahaging tinurukan ay maaaring mangyari. Ikaw ay maaaring magdugo o magkapasa ng madali habang gumagamit ng gamot na ito. Mag-ingat upang maiwasan ang mga pinsala hanggang ang mga epekto ng gamot na ito ay mawala. Tumingin ng mga pagdurugo mula sa bukas na bahagi sa paligid ng tinurukan. Suriin din kung may dugo sa iyong dumi o ihi. Kung ikaw ay mayroong kahit anong pagdurugo o pinsala, sabihin agad sa iyong doktor. Kakailanganin ng iyong doktor ang pagsuri sa iyong dugo sa regular na pagbisita habang ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. ...
Precaution:
Ang Angiox ay hindi para sa mga taong maaaring haypersensitibo (hindi hiyang) sa bivaluridin, ibang mga hirudin o kahit anong ibang mga sangkap. Huwag gamitin sa mga pasyenteng mayroong kamakailan lamang na pagdurugo, sa mga pasyenteng may matinding altapresyon, sa mga pasyenteng may matinding sakit sa bato o mayroong inpeksyon sa puso. Ang pinagsamang gamit ng mga gamot na anticoagulant ay pwedeng asahang magpataas sa panganib ng pagdurugo. Kapag ang bivaluridin ay hinalo sa platelet inhibitor o isang anti-coagulant na gamot, ang mga klinikal at biyolohikal na mga parametriko ng haemostasis ay dapat na regular na imonitor. Siguraduhing alam ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso, o kung ikaw ay mayroong problema sa bato, karamdaman sa pagdurugo tulad ng hemopilya, o kung ikaw ay madaling magkapasa. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay tumatanggap ng brachyteraphy (isang radyasyong paggagamot). ...