Aripiprex

Teva Pharmaceutical Industries | Aripiprex (Medication)

Desc:

Ang Aripiprex/aripiprazole ay kilala bilang gamot na pangontrang sikotiko (atipikal na uri). Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagtulong sa balanse ng ilang mga natural na kemikal sa utak (neurotransmiter). Ang medikasyong ito ay pwedeng magpababa sa mga halusinasyon at magpabuti sa iyong konsentrasyon. Ito ay tumutulong sa iyong mag-isip ng mas malinaw at mas positibo tungkol sa iyong sarili, pakiramdam na hindi masyadong kabado, at kumuha ng mas aktibong parte ng iyong pang-araw-araw ng buhay. Ang Aripiprex ay pwedeng gumamot ng matinding panagano indayog at nagpipigil o nagpapababa sad alas ng pagkakaroon ng panagano indayog. Ang aripiprazole ay ginagamit upang gamutin ang iskisoprenya, baypolar manya at halong mga episodyong manik/depresib (bilang tangi o pandagdag na terapiya) at bilang pangdagdag (karagdagan) na terapiya para sa malaking karamdamang depresib. Ang aripiprazole ay ginagamit upang gamutin ang ilang karamdamang pangkaisipan/kalooban (tulad ng karamdamang baypolar, iskisoprenya). Ito rin ay maaaring gamitin sa kombinasyong kasama ng ibang medikasyon upang gamutin ang depresyon. ...


Side Effect:

Ang mga karaniwang epektong kaugnay ng aripiprazole ay pagkabalisa, malabong paningin, konstipasyon, ubo, sakit ng ulo, hindi pagkakatulog, pagkahilo, pagduduwal, pamamantal, walang kapahingahan, makating ilong, pagkaantok, mga pangangatog, pagsusuka, panghihina, at pagbigat. Katulad ng ibang pangontra sikosis, ang matagal na paggamit ng Aripiprex ay maaaring magsanhi ng mga potensyal na hindi naibabalik na kondisyong tinatawag na tardive dyskinesia (hindi inboluntaryong paggalaw ng panga, labi, at dila). Ang potensyal na nakamamatay na kompleks na tinukoy bilang neuroleptikong hindi mapanganib na sindrom ay naiulat sa mga gamot na pangontrang sikosis, kasama ng aripiprazole. Ang mga pasyenteng nagkaroon ng sindrom na ito ay maaaring magkaroo ng mataas na lagnat, pagtigas ng kalamnan, nagbagong status ng pag-iisip, iregular na pulso o presyon ng dugo, mabilis na tibok ng puso, sobrang pamamawis, at mga aritmiya sa puso. ...


Precaution:

Bago gamitin ang aripiprazole, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito, o kung ikaw ay may ibang kahit anong alerhiya. Ipaalam sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: mga problema sa pagdaloy ng dugo sa utak (sererbrobaskular na sakit, atakeng serbral), matinding pagkawala ng tubig sa katawan (dehaydrasyon), dyabetis, mga problema sa puso (halimbawa, mababang presyon ng dugo, coronary artery na sakit, pagpapalya ng puso, iregular na tibok ng puso), mga problema sa sistemang nerbos (halimbawa, demensya, NMS, mga sumpong), sobrang timbang, hirap lumunok, abuso sa alak/droga, mababang bilang ng puting selula ng dugo. ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naaantok o magsanhi ng panandaliang malabong paningin. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ng pag-inom ng alak. Anb medikasyong ito ay pwedeng pataasin ang iyong panganib ng pagkakaroon ng heat stroke. Iwasan ang mga gawaing pwede kang gawing sobrang mainit (halimbawa, paggawa ng mabigat na trabaho, pag-ehersisyo sa mainit na panahon, o paggamit ng mainit na batya). Ang pag-iingat ay inaabiso sa mga taong mayroong dyabetis. Tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Ang mga mabilis matunaw na tableta ay maaaring may lamang aspartame. Kung ikaw ay mayroong phenylketonuria (PKU) o kahit anong ibang kondisyon na nangangailangang restriktahan ang paggamit ng aspartame (o phenylalanine), konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko tungkol sa paggamit ng ligtas ng gamot na ito. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».