Asendin
Wyeth | Asendin (Medication)
Desc:
Ang Asendin/amoxapine ay medikasyong nirireseta lamang na lisensyado bilang paggagamot sa depresyon. Ang Asenapine ay parte ng isang klase ng mga gamot na kilala bilang tricyclic antidepressants. Ang medikasyong ito ay pwedeng tumulong sa pagpipigil ng mga kaisipang pagpapakamatay o subok at nagbibigay ng ibang mga importanteng benepisyo. Gamitin ang Asendin ng eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor. Huwag biglang ihihinto ang paggamit ng medikasyong ito ng hindi kumukonsulta sa iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epektong pwedeng mangyari ay may kasamang: pagkaantok, pagkahilo, hirap sa pag-ihi, tuyong bibig, konstipasyon, sakit ng ulo, panghihina, malabong paningin, o pagbabago sa ganang kumain/timbang. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang ibang madalang, ngunit mas seryosong epekto ay may kasamang: pagkahimatay; pakiramdam ng walang kapahingahan; mga pagbabago sa kaisipan o kalooban tulad ng pagkalito, depresyon, mga halusinasyon, pagkakaba; pamamanhid o pagtusok-tusok sa mga kamay o paa; pagtunog sa tainga; pag-uga (pangangatog); sakit ng tiyan; matinding pagsusuka at konstipasyon; sakit ng dibdib; sakit ng panga o kaliwang braso; mabagal/mabilis/iregular na tibok ngpuso; sakit; pamumula o pamamaga ng mga braso o binti; mga sumpong; matinding sakit ng ulo; panghihina sa isang bahagi ng katawan; mga pagbabago sa paningin; o paputol-putol na pananalita. Kung alinman sa mga ito ang mangyari, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: mga problema sa puso; mga problema sa paghinga tulad ng hika, COPD; ilang mga problema sa mata tulad ng glawkoma o tumaas na intraocular na presyur; kronik na konstipasyon, ileus; mga problema sa puso tulad ng mga aritmiya, coronary artery na sakit, pagpapalya ng puso; mga problema sa bato; mga problema sa atay; ibang mga kondisyon sa kaisipan/kalooban tulad karamdamang baypolar o sikosis; pampamilyang kasaysayan ng kondisyong pangkaisipan/kalooban o pagpapakamatay; kasaysayan ng neuroplitikong hindi mapanganib na sindrom; mga karamdaman sa paggalaw tulad ng Parkinson’s dsease at tardive dyskinesia; hyperthrodism; mga problema sa pag-ihi; mga sumpong; o kondisyong maaaring magpataas sa iyong panganib ng sumpong tulad ng electroshock na terapiya, atakeng serebral, at paghintong alkohol. Dahil ang Asendin ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...