Cholestagel
Genzyme | Cholestagel (Medication)
Desc:
Ang Cholestagel na tableta ay may sangkap na colesevelam, isang uri ng gamot na tinatawag na bile acid sequestrant. Ginagamit ito para bumaba ang lebel ng kolestrol sa dugo. Ang Cholestagel ay maaaring gamitin kasama ang mga statin na gamot (simvastatin, atorvastatin). Ang Cholestagel ay hindi sinisipsip ng dugo. Gumagana ito sa bituka, kung saan nakabigkis ito sa bile acids. Dumadaan ito sa bituka kasama ang colesevelamat nilalabas bilang dumi. ...
Side Effect:
Karaniwang epekto:pagtitibi, madalas na pag-utot, sakit ng ulo, mataas na lebel ng triglycerides, pagsusuka, pagduduwal, sakit ng tiyan, abnormal na pagdumi. Hindi karaniwang epekto:sakit ng kasukasuan, pagtaas ng liver enzymes. Hindi ibig sabihin na lahat ng nakalista dito ay mararanasan ng lahat ng tao. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi. Sabihan ang iyong doktor o parmasyutika kung nakakaranas ng kahit na anong uri ng alerdyi. Inumin ang gamot na ito pagkatapos kumain o kaht hindi pa kumakain. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...