Corque

Novartis | Corque (Medication)

Desc:

Ang Corque ay kombinasyon ng gamot na ginagamit para sa maraming uri ng sakit sa balat (eczema, fungal na impeksyon tulad ng buni/ alipunga/ jock itch). Ang produktong ito ay may 2 medikasyon. Ang Clioquinol (kilala rin sa tawag na iodochlorhydroxyquin) ay isang antibiotic na pumipigil sa pagdami ng baktery/fungus. Ang Hydrocortisone ay isang banayad na uri ng corticosteroid na ang tungkulin ay maibsan ang pamamaga, pamumula, at pangangati sa apektadong balat. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin sa mga batang 2 taong gulang pababa. ...


Side Effect:

Ang karaniwang di inaasahang epekto ng gamot na ito ay panunuyo ng balat. Ang mga di pangkaraniwan pero seryosong epekto ay tulad ng:iritasyon sa balat, mabilis na paghaba ng buhok, pagnipis ng balat/ pag-iba ng kulay, tagihawat, stretch marks, bukol sa may anit (folliculitis). Ang paggamit ng gamot na ito na pangmatagalan ay maaaring maging sanhi ng bagong impeksyon. Humingi agad ng medikal na atensyon kung makakaranas ng mga sintomas ng alerdyi tulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (sa mukha/dila/lalamunan), pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Komunsulta muna sa doktor o parmasyutiko kung ikaw ay may:tuberculosis sa balat, impeksyon sa balat/ mata (herpes, chickenpox). Bago gamitin ang gamot na ito, sabihan ang iyong doktor o parmasyutiko sa iyong iba pang sakit lalo na kung may problema sa resistensya, problema sa sirkulasyon ng dugo. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».