Correctol
Schering-Plough | Correctol (Medication)
Desc:
Ang Correctol/bisacodyl ay gamot sa tumutulong sa pagbabawas ng dumi. Ito ay gamot para sa pagtitibi o para malabas ang dumi bago ang operasyon, colonoscopy, x-rays o pangloob na medikal na paraan. ...
Side Effect:
Tawagan ang iyong doktor kung may nararamdamang mga seryosong epekto tulad ng:di madalas na pag-ihi; pagkaantok, pabago-bagong lagay ng loob, pagkauhaw, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal at pagsusuka; pamamaga, pagtaas ng timbang, hirap sa paghinga; pagdurugo sa may tumbong; malalang sakit sa sikmura, malalang pagtatae at pagsusuka; mababang potasa. Ang mga hindi seryosong epekto ay tulad ng:pagkahilo, panghihina; labis na pagkauhaw; bahagyang sakit sa sikmura, hangin sa tiyan, pagtatae; pagduduwal; pantal. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Correctol/bisacodyl, ipagpaalam muna sa iyong doktor kung ikaw ay may allergy. Sabihan ang iyong doktor o parmasyutiko ng iyong mga sakit lalo na ang:appendicitis o sintomas ng appendicitis (tulad ng pagduduwal/pagsusuka, biglaan o di maipaliwanag na sakit ng tiyan), pagbago ng dalas ng pagbabawas na tumatagal ng 2 linggo, pagdurugo sa tumbong, pagbara sa bituka. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...