Declostatin
Wyeth | Declostatin (Medication)
Desc:
Ang Declostatin/ Demeclocycline ay isang tertrasayklik na antibiyotiko. Ang Demeclocycline ay isang uri ng antibyotiko sa Lyme disease, an-an, at bronchitis. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang hyponatremia na sanhi ng syndrome ng inappropriate antidiuretic hormone (SIADH) kapag hindi naging epektibo ang pagpipigil sa tubig. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, dalawa hanggang apat na beses sa isang araw na may isang punong baso ng tubig, o kahit ng walang laman ang tiyan isa o dalawang oras bago kumain. Gamitin ang Declostatin ng eksaktong gaya ng direksyon ng doktor para sa kondisyon mo. ...
Side Effect:
Ang kadalasang mga epekto nito ay:pagtatae, pangangati ng puwet o ari ng babae, pamamaga ng bibig, at pagbabago sa kulay ng balat. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tumawag sa doktor. Ang mga sumusunod ay mas seryosong epekto na nangangailan ng agarang medikal na aksyon:reaksyong alerdyi - pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha; matinding sakit ng ulo; panlalabo ng paningin; paninilaw ng balat o mata; madilim na kulay ng ihi; malabnaw na kulay ng dumi; kawalan ng ganang kumain; pag-iiba ng tiyan; pagsusuka; sakit ng tiyan; matinding pagkapagod o panghihina; pagkalito; o kaunting ihi. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot, sabihin muna sa doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerdyi. Sabihin rin kung ikaw ay umiinom ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ka ng diyabetes o sakit sa bato o atay. Ang Declostatin/ Demeclocycline ay maaaring gawing sensitibo ang iyong balat sa sinag ng araw kaya naman iwasan ang matagal na pagkakalantad rito, pagbababad sa araw at magsuot ng nakapuprotektang damit, salamin sa mata, at pampahid sa balat kontra sinag ng araw kapag nasa labas. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...