Demolox
Wyeth | Demolox (Medication)
Desc:
Ang Demolox/Amoxapine ay isang traysayklik na panlaban sa depresyon ng klase ng dibenzoxazepine, kakaiba sa kemikal ng dibenzodiazepines, dibenzocycloheptenes, at dibenzoxepines. Ito ay ginagamit para sa ginhawa ng mga sintomas ng depresyon sa nga pasyenteng may neurotik o reaktib na karamdamang depresib pati na rin ng endodyinus at sikotik na depresyon. Pati na rin sa depresyon na may kasamang pagkabalisa o pagkagulo. Ang madalas na dosis ay 200 hanggang 300 mg araw-araw. Ang tatlong linggo ay bumubuo na ng sapat na panahon para sa pagsubok ng pagbibigay ng dosis hanggang sa maabot ang 300 mg araw-araw (o mas mababang lebel ng pagtanggap) para sa dalawang linggo man lamang. ...
Side Effect:
Ang koma o asidosis ay ang mga seryosong komplikasyon ng pagkasobra sa amoxapine sa iilang kaso. Ang problemang kaugnay sa bato ay maaaring mabuo sa loob ng dalawa hanggang limang araw matapos ang nakalalasong sobrang dosis sa mga pasyente o di kaya ay gumaling na. Ang manipestasyon ng pagkasobra sa dosis ng amoxapine ay iba mula sa ibang traysayklik na panlaban sa depresyon. Ang mga seryosong epektong kardyobaskular ay madalang maobserbahan. Ang pankreyataitis, hepataitis, paninilaw ng balat, madalas ng pag-ihi, pamamaga ng bayag, anoreksya, alopesya, trombosaytopenya, eosinopilya, purpura, petechiae, atriyal na aritmiya (kasama ang atriyal na pibrilasyon), myocardial infraction, atakeng serebral, bara sa puso, pagtaas o pagbaba ng libog, impotence, iregular na regla, paglaki ng suso at galaktoriya sa babae, sindrom ng hindi tamang antidiuretiko na paglabas ng hormon, epigastrik na distress, pagsusuka, pag-utot,sakit ng tiyan, kakaibang panlasa, pagtatae, pagkirot, parestesya ng paa at kamay, tinnitus, pagkataranta, sumpong, hypomya, pagkamanhid, walang koordinasyon, magulong konsentrasyon, hypertermya, sintomas na extrapyramid, tulad ng tradice dyskenia ay maaaring mangyari.
Ang Neuroleptic malignant syndrome ay naitala, pagkabalisa, hindi pagkakatulog, hindi mapakali, pagkakaba, palpitasyon, pangangatog, pagkalito, pagkagising, bangungot, ataksya, pagbabago sa dibuho ng EEG, pagkagulo sa akomodasyon, midriyasis, huling mikturisyon, hindi makaihi, pagbabara sa ilong. ...
Precaution:
Ang mga pasyente ay dapat bigyan ng babala sa posibilad ng pagkaantok na maaaring makaapekto sa paggawa sa mga delikadong gawain tulad ng pagmamaneho ng sasakyan o paggamit ng makina. Ang mga pasyenteng manik depresib ay maaaring makaranas ng pagbabago sa yugtong manik. Ang mga pasyenteng may skisoprenya ay maaaring magkaroon ng mas maraming sintomas ng sikosis; ang mga pasyenteng may paranoid symptomatology ay maaaring magkaroon ng malalang sintomas.
Ang mga gamot na panlaban sa depresyon ay maaaring magdulot ng pamamantal at lagnat para sa ilang madaling kapitan na mga tao. Ang mga reaksyong alerdyi na ito ay maaaring lumala, sa ilang kaso. Ang mga ito ay maaaring mangyari sa mga unang linggo ng paggagamot, ngunit maaari ring mangyari kalaunan. Sa pagbibigay ng gamot, dapat alam na ang posibilidad ng pagpapakamatay ay likas sa mga taong may malubhang depresyon, at tumagal hanggang sa ito ay mabawasan; ang gamot ay dapat ilagay sa pinakakaunting tamang dami. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...