Denzapine
Pharma Nord | Denzapine (Medication)
Desc:
Ang Denzapine /Clozapine ay tinukoy sa mga di na natatablan ng mga gamot na pasyenteng may skisoprenya at mayroong malubha, hindi na magagamot na salungat na reaksyong neurohikal sa ibang antipsychotic na ahente, kasama ang atypical psychotic. Ang resistensya sa paggamot ay inilarawan bilang kakulangan sa pagbuti ng kalagayan sa kabila ng paggamit ng tamang dami ng dosis ng kahit dalawang magkaibang antipsychotic na ahente, kasama ang atypical psychotic na ahente, na inireseta para sa sapat na panahon. Ang Denzapine ay tinukoy rin sa mga sikotikong sakit na nangyayari habang mayroong Parkinson na sakit, sa mga kasong ang paggagamot ay hindi magtagumpay. ...
Side Effect:
Ang pagkaantok o pagkatahimik; pagkahilo; pagbilis ng tibok ng puso (abnormal na mabilis na tibok ng puso); hindi makadumi; madalas na paglalaway ay maaari ring mangyari. Ihinto ang paggamit ng clozapine at humingi ng tulong-medikal kung ikaw ay makaramdam ng pagkapagod o pagkakapos sa paghinga, o kung bumilis ang iyong paghinga, hindi pangkaraniwang pamamaga o retensyon ng tubig. Ang mga ito ay pwedeng senyales ng pamamaga ng iyong kalamnan sa puso o pamumuo ng dugo sa iyong baga. Ang parehong epekto ay nakamamatay.
Kontakin ang iyong doktor kung ikaw ay makaramdam ng panghihina o pagkapagod, pakiramdam na parang may trangkaso, o may lagnat, pamamaga ng lalamunan, o sugat o puti-puti sa bibig o lalamunan. Ang mga ito ay pwedeng senyales na mababa ang bilang ng iyong puting selula ng dugo, isang seryosong epekto na maaaring mauwi sa nakamamatay na inpeksyon. Humingi ng agarang tulong-medikal kung ikaw ay makaranas ng kahit anong sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi na maaaring may kasamang:pamamantal, pangangati /pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan),malubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ang Denzapine/ Clozapine ay hindi para sa mga sikotikong kondisyong kaugnay sa demensya. Ang Denzapine ay maaaring magdulot ng pagpapalya ng puso, biglang pagkamatay o pulmonyasa mga mas matatandang adulto na mayroong kondisyong kaugnay sa demensya. Huwag inumin ang Clozapine kung ikaw ay alerdyik dito, o kung ikaw ay mayroong :hindi nagamot o hindi kontroladong epilepsi; sakit sa utak ng buto; paralitik na ileus o bara sa bituka; historya ng inpeksyon na dulot ng pag-inom ng Clozapine; o kung ikaw ay gumagamit ng mga gamot na nagpapahina sa iyong sistemang pantabla (tulad ng gamot sa kanser o isteroyd).
Para makasigurong ligtas ang pag-inom mo ng Denzapine, sabihin sa doktor kung ikaw ay mayroong ng alinman sa mga kondisyong ito:sakit sa puso, problema sa ritmo ng puso, altapresyon; kasaysayan ng atake sa puso o atakeng serebral; personal o pampamilyang kasaysayan ng Long QT na sindrom; epilepsi o iba pang katulad na sakit; sakit sa baga; sakit sa atay o bato; diyabetes; kasaysayan ng mga problema sa utak ng buto o selula ng dugo; paglaki ng prosteyt o problema sa pag-ihi; glawkoma; o kung ikaw ay naninigarilyo. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...