Dermatovate


GlaxoSmithKline | Dermatovate (Medication)


Desc:

Ang Dermatovate/Clobetasol ay isang topikal na isteroyd. Binabawasan nito ang aksyon ng mga kemikal sa katawan na nagdudulot ng implamasyon, pamumula, at pamamaga. Ang Dermatovate/Clobetasol topical ay ginagamit ring panggamot sa implamasyon at pangangati na dulot ng ilang kondisyon sa balat tulad ng reaksyong alerdyik, eksema, at soryasis. Ang gamot na ito ay napakalakas na kortikosteroyd. Hindi inirirekomenda ang paggamit nito para sa mga bata o sa mga taong may edad na mas mababa pa sa 18 dahil sa mataas na panganib ng epekto. ...

Side Effect:

Itigil ang paggamit ng gamot na ito at tumawag sa doktor kung ikaw ay mayroong matinding iritasyon sa hindi nagamot na balat, o kung ikaw ay may sintomas ng pagsipsip ng Clobetasol topical sa iyong balat, tulad ng :paglabo ng paningin, o pagkakakita ng halo sa mga ilaw; pagbabago sa kalooban; problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog); pagbigat, paglubo ng mukha; o panghihina ng kalamnan, pakiramdam ng pagkapagod.

Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay:katamtamang pamamantal, pangangati, parang nasusunog na pakiramdam, o pamumula; tuyo o nagbibitak na balat; pagninipis o panlalambot ng balat; pamamantal o iritasyon ng balat sa palibot ng bibig; pamamaga ng balat sa pinagtubuan ng buhok; pansamantalang paglalagas ng buhok;paglalawa ng ugat; pag-iiba sa kulay ng balat na ginamot; paltos, tigyawat, o pagbabalat ng ginamot na balat; o marka ng mga inat. Humingi agad ng tulong-medikal kapag ikaw ay nakaranas ng kahit ano sa mga seryosong reaksyong alerdyi tulad ng:pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...

Precaution:

Bago gumamit ng Dermatovate, sabihin sa doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa Clobetasol o ibang gamot, o kung ikaw ay may kahit anong uri ng inpeksyon sa balat. Sabihin sa doktor kung ikaw ay may diyabetes. Ang topikal na isteroyd na gamot na nasipsip sa balat ay maaaring magpataas ng lebel ng asukal sa dugo o ihi. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...