DesOwen

Galderma Laboratories | DesOwen (Medication)

Desc:

Ang DesOwen/ Desonide ay isang topikal na isteroyd. Binabawasan nito ang aksyon ng mga kemikal sa katawan na sanhi ng implamasyon, pamumula, o pamamaga. Ang Desonide topical ay ginagamit bilang panggamot sa mga implamasyon at pangangati na sanhi ng kondisyon sa balat tulad ng reaksyong alerdyik, eksema, at soryasis. Katulad ng ibang topikal na kortikosteroyd, ang Desonide ay mayroong panlaban sa implamasyon, antipruritik at basokontriktib na katangian. ...


Side Effect:

Itigil ang paggamit ng gamot at tawagan ang doktor kung ikaw ay may matinding iritasyon sa hindi nagamot na balat, o kung ikaw ay may sintomas ng pagkasipsip ng Desonide topical sa balat, tulad ng malabong paningin, pagkakakita ng halo sa mga ilaw; pagbabago sa kalooban; problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog); pagbigat, paglubo ng mukha; o panghihina ng kalamnan, pakiramdam ng pagkapagod.

Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay:katamtamang pangangati, pamumula, parang nasusunog, o namamalat; tuyong balat; pagnipis o paglambot ng balat; pamamantal o iritasyon sa palibot ng bibig; paga sa pinagtubuan ng buhok, pag-iiba ng kulay ng balat; paltos, tigyawat, o pamamalat ng nagamot na balat; o mga marka ng pag-inat. Humingi agad ng medikal na atensyon kapag ikaw ay nakaranas ng alinman sa mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi na maaaring kasama ang :pamamantal, hirap sa paghinga, pangangati /pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamunan). ...


Precaution:

Huwag balutin ang mga nagamot ng balat ng bendahe o anumang uri ng pambalot maliban nalang kung sabihin ng doktor. Kung ginagamot mo ang bahagi kung saan nilalagay ang dayaper sa sanggol, huwag gumamit ng dayaper na gawa sa plastik o masikip. Ang pagbabalot sa nagamot na balat ng Desonide topical ay maaaring magpataas sa dami ng masisipsip na gamot sa balat, na maaaring magsanhi ng epekto sa katawan.

Higit na mas mataas ang pagsisipsip ng topikal na isteroyd sa balat ng mga bata. Ang pagsipsip ng isteroyd sa balat ng mga bata ay pwedeng magdulot ng hindi kaaya-ayang epekto, o pagbagal ng pagtangkad kung gagamiting ng matagal. Kontakin ang doktor kung ang iyong kondisyon ay hindi bubuti sa loob ng 2 linggong paggamit ng gamot, o kung may mabuong mga senyales ng inpeksyon sa bakterya, halamang-singaw o mikrobyo. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».