Dibent

Shire | Dibent (Medication)

Desc:

Ang Dibent/dicyclomine ay isang gamot na ginagamit na panggamot sa irritable bowel syndrome (IBS). Ang Dibent/dicyclomine ay nasa klase ng gamot na kung tawagin ay anticholinergics. Ang anticholinergic na gamot ay oumipigil sa epekto ng acetylcholine, ang kemikal na transmiter na inilalabas ng nerb upang magsanhi ng pagkipis ng kalamnan. Pinipigilan nila ang kontraksyon ng mga kalamnan sa pamamagitan ng pagharang sa mga reseptor ng acetylcholine sa mga selula ng kalamnan. Ang mga anticholergenic na gamot ay mayroon ring direktang pamparelaks na epekto sa kalamnan. Ito ay ginagamit upang bawasan ang kontraksyon ng mga kalamnan sa mga bituka.

...


Side Effect:

Ang mga yugto ng yuporya, pakiramdam na pagpipintog sa tiyan. Gamitin ang sirup sa mga batang may edad na mas mababa sa 3 buwan:sumpong, sinkope, sintomas sa respiratoryo, pagbabago sa pulso, aspiksya, pangkalamnang haipotonya, koma. Ang mga epekto ay may kasamang tuyong bibig, pagkalito, agitasyon, pagtaas ng bilis ng tibok ng puso, palpitasyon sa puso, konstipasyon, hirap sa pag-ihi, at paminsan-minsang sumpong ay pwedeng mangyari. Ang ibang posibleng epekto ay may kasamang pagbabago sa persepyon sa panlasa,hirap lumunok, sakit ng ulo, pagkakaba, pagkaantok, panghihina, pagkahilo, pagkainutil, pamumula, hirap sa pagtulog, pagduduwal, pagsusuka, pamamantal, pamamaga at hirap sa paghinga.

...


Precaution:

Bago gamitin ang dicyclomine, sabihin sa iyong tagapagbigay ng serbisyong medikal kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Ipagbigay-alam sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroon o nagkaroon man ng kahit ano sa mga sumusunod na kondisyong medikal:glawkoma, paglaki ng prosteyt, problema sa pag-ihi dahil sa baradong pang-ihing trak, ibang problema sa tiyan/bituka (tulad ng nagtataengpasyenteng may mabagal na tiyan, pagbabara, elsertib na kolaitis, ipeksyon, mababa/ walang asido sa tiyan, ileostomya/kolostomya), sobrang aktibong teroydeo, problema sa puso (tulad ng sakit sa ugat sa puso,anghina, kondyestib na pagpapalya ng puso, mabilis/iregular na tibok ng puso, problema sa puso dahil sa matinding pagdurugo), altapresyon, problemang pangangasim ng tiyan (tulad ng asidong kati, hiyatal hernya, problema sa lalamunan), ilang problema sa sistemang nerbos (otonomik na neuropatiya), myasthenia gravis, problema sa atay, problema sa bato. Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naaantok o magdulot ng malabong paningin. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ang pag-inom ng alak. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».