Dispermox

Ranbaxy Laboratories | Dispermox (Medication)

Desc:

Ang DisperMox ay isang antibiyutikong penisilin. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpatay ng mga sensitibong bakterya. Ito ay ginagamit sa paggagamot ng mga inpeksyon na sanhi ng ilang bakterya. Ito rin ay ginagamit kasama ang ibang gamot upang gamutin ang inpeksyong Helicobacter pylori at ulser ng mga maliliit na bituka. Inumin ang medikasyong ito ng mayroon o walang pagkain, kadalasan ay kada 12 oras, o ayon sa dinirekta ng doktor. Huwag ngunguyain o lulunukin ng buo ang tableta. Huwag ihahalo sa kahit anong likido bukod sa tubig. Ang mga antibiyutiko ay gumagawa ng pinakamainam kung ang dami ng gamot sa iyong katawan ay napanatili sa palagiang lebel.

...


Side Effect:

Ang medikasyong ito ay pwedeng magsanhi ng matinding kondisyon sa bituka (pseudomembranous na kolaitis) dahil sa hindi tinatablang bakterya. Ang kondisyong ito ay maaaring mangyari mga linggo matapos ang pagtigil ng paggagamot. Ang pagduduwal, pagsusuka, o pagtatae ay maaaring mangyari. Huwag gagamit ng pangontra pagtatae na mga produkto o narkotikong medikasyong sa sakit kung ikaw ay mayroon sa mga sumusunod na sintomas dahil ang produktong ito ay maaaring gawin silang mas malala. Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay may mabuong: tumatagal na pagtatae, sakit/pamimilipit ng tiiyan/sikmura, o dugo/uhog sa iyong dumi. Kasama sa mga seryosong sintomas reaksyong alerhiya ang: pamamantal, pamamaga, pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang medikasyong ito ay maaaring magsanhi ng pansamantalang pagmamantsa ng iyong ngipin. Ang tamang pagsisipilyo ay kadalasang magtatanggal sa kahit anong pagmamantsa at magpipigil sa pangyayaring ito. ...


Precaution:

Bago gamitin ang amoksisilin, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa penisilin o antibyutikong sepalosporin o kung ikaw ay may ibang alerhiya. Ang gamot na ito ay maaari ring makaapekto sa mga resulta ng ilang panlaboratoryong eksam. Siguraduhing alam ng mga panlaboratoryong tao at doktor na gumagamit ka ng gamot na ito. Ang gamot na ito ay may lamang aspartame. Kung ikaw ay may penilketonurya (PKU) o ibang kondisyon na kung saan kailangan mong higpitan ang pag-inom ng aspartame (o penilalanin), komunsulta sa doktor o parmaseutiko tungkolsa ligtas na paggamit ng gamot na ito. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor ang lahat ng may reseta o wala/erbal na produkto na iyong maaaring gamitin lalo na ng: alopurinol, livena bakuna, metotrekseyt, probenesid. Ang medikasyong ito ay maaaring magpababa sa pagkaepektibo ng mga kombinasyong uri ng mga tabletang pangontrol sa pagpaparami. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».