Dolorex

Wyeth | Dolorex (Medication)

Desc:

Ang kombinasyong produktong ito ay may lamang 2 mga medikasyon, acetaminophen at antihistamine. Ang acetaminophen ay tumutulong upang bawasan ang lagnat at/o ng malumanay hanggang katamtamang sakit (tulad ng sakit ng ulo, sakit ng likod, mga sakit dahil sa pilay sa kalamnan, sipon, o trangkaso). Ang antihistamine sa produktong ito ay maaaring magsanhi ng pagkaantok, at kaya naman ito ay pwedeng gamitin bilang tulong sa pagtulog sa gabi. Ang ma antihistamine ay pwede ding makatulong sa pagpapaginhawa ng alerhiya o mga sintomas ng sipon tulad ng matubig na mata, makating mga mata/ilong/lalamunan, at pagbahing. ...


Side Effect:

Tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinman sa mga seryosong epekto: mabagal na paghinga, mabagal na tibok ng puso , pakiramdam na pagkahilo, pagkahimtay; pagkalito, takot, hindi pangkaraniwang pag-iisip o asal; sumpong (kombulsyon); problema sa pag-ihi; o pagduduwal, sakit sa parting taas ng tiyan, pangangati, kawalan ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, kulay putik na dumi, paninilaw (paninilaw ng balat o mga mata). . ang hindi masyadong seryosong epekto ay maaaring may kasamang: pagkabalisa, pagkahilo, pagkaantok; malumanay na pagduduwal, pagsusuka,pag-iiba ng tiyan, konstipasyon; sakit ng ulo, pagbabago sa kalooban; malabong paningin; pagtining sa iyong mga tainga; o tuyong bibig. ...


Precaution:

Tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko bago gumamit ng kahit anong mediksyon sa sipon, alerhiya, sakit, o pagtulog. Ang acetaminophen (minsan ay pinaikling APAP) ay laman sa maraming kombinasyong gamot. Ang paggamit ng ilang produkto ng sabay ay pwedeng magsahi ng pagtanggap mo ng masyadong maraming acetaminophen na pwedeng magdulot sa nakamamatay na sobrang dosis. Suriin ang pabalat upang makita kung ang gamot ay naglalaman ng acetaminophen o APAP. Iwasan ang pag-inom ng alak. Maaari nitong pataasin ang iyong panganib ng pinsala sa atay habang gumgamit ng acetaminophen. Dahil ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Ang kombinasyon ng gamot na ito ay hindi dapat gamitin sa mga batang at mga kabataang may buluton, trangkaso,o kahit anong hindi nalamang sakit, o kung sila ay nabigyan ng bakuna laban sa buhay na mibrokyo. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».