Edarbi

Takeda Pharmaceutical Company | Edarbi (Medication)

Desc:

Ang edarbi/azilsartan medoxomil ay nabibilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na angiotensin II receptor antagonists. Ang edarbi ay pinipigilan na ang mga daluyan ng dugo ay sumikip na syang nagiging resulta ng pagbaba ng presyon ng dugo at nagpapaganda ng pagdaloy ng dugo sa katawan. Ang Edarbi ay ginagamit upang bigyan lunas ang mataas na presyon ng dugo (hypertension). Ito din ay kalimitang ginagamit kasama ang iba pang gamot sa presyon ng dugo. Ang mga datos na sa mga pagaaral ay nagpakitang ang Edarbi ay mabisa sa pagpapababa sa loob ng 24 oras na presyon ng dugo kumpara sa dalawa pang gamot, Diovan (Valsatran) at Benicar (olmesartan). ...


Side Effect:

Agad tumawag sa iyong doktor kung ikaw ay makaranas ng mga sumusunod na epekto ng gamot: pakiramdam na ikaw ay hihimatayin; pag-ihi ng madalang kaysa sa dati o mistulang hindi pag-ihi; pagkaantok, pagkalito, pagiba-iba ng kalagayan o mood, labis na pagka uhaw, pagkawala ng gana kumain, pagsusuka; o pamamaga, pagbigat ng timbang, pagsisikip ng paghinga. Ang mga di gaanong malubhang epekto ng gamot ay ang mga sumusunod: pagtatae, katamtamang pagduduwal; pagubo; pulikat; katamtamang pagkahilo o panghihina, pagkahapo. Sumangguni ng atensyong medikal kung ikaw ay makakaranas ng mga sintomas ng matinding alerdyi na may kasamang mga sumusunod: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo sa parteng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor bago gumamit ng Edarbi kung ikaw ay may alerdyi sa azilsartan medoxomili o kung ikaw ay may sakit sa bato o atay, hindi balanseng electrolyte (mababang antas ng potasyum o magnesyum sa dugo), congestive heart failure, o kung ikaw ay kulang sa tubig o dehydrated. Ang pag-inom ng alak ay maaring pang magpababa ng presyon ng dugo at maaring magtaas ng panganib ng mga epekto ng Edarbi. Huwag gumamit ng mga suplementong potasyum o pamalit ng asin habang ikaw naggagamot ng Edarbi, maliban na laman kung ito ay may reseta ng iyong doktor. Ang iyong presyon ng dugo ay nangangailangang matingnan ng madalas. Pumunta ng regular sa iyong doktor. Gamitin ang Edarbi ayon sa direksyon, kahit na ikaw nakakaramdam ng mabuti. Ang mataas ng presyon ng dugo ay madalas na walang sintomas. Ikaw ay maaaring mangailangan ng pang habambuhay na gamutan upang mapababa ang iyong presyon ng dugo. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».