Edex
UCB | Edex (Medication)
Desc:
Ang Edex/alprostadil para sa iniksyon ay mabisa bilang lunas sa hindi pagtayo ng ari (erectile dysfunction)dala ng “neurogenic”, “vasculogenic,” “psychogenic,” o magkahalong “etiology. Ang saklaw na dosis ng Edex/alprostadil para iniksyon lunas sa hindi pagtigas ng ari ay 1 hanggang 40mcg. Ang isang pasyente ay maaaring simulan ang sariling iniksyon na terapi pagkatapos makatanggap ng wastong tagubilin at dumaan sa mahusay na pagsasanayukol sa terapi ng pansariling iniksyon. Ang doktor ay kailangang payuhan ang mga pasyente na itapon ng tama ang mga karayom na bumaluktot dahil sa paggamit. ...
Side Effect:
Sa mga pasyente na naggagamot ng Edex (alprostadil para iniksyon) nang hanngang 24 na buwan, ang lokal na pagdurugo, hematoma at ecchymosis, ay naitala sa 15%, 5% at 4% na mga pasyente ang nagkaroon nito, ayon sa pagkakasunod-sunod. Nasiyasat sa mga klinikal na pagaaralna mayroong “Hemodynamic changes” habang tumataas o bumababa ang presyon ng dugo at bilis ng pulso. Subalit hindi lumitaw na ito ay nababatay sa dosis. Madalang na mga epekto ang mararanasan sa paggamit ng gamottulad ng hypotension kasama na ang pagkahilo o syncope. ...
Precaution:
Huwag gagamitin ang gamot na ito kung ikaw ay may alerdyi sa alprostadil o kung ikaw ay mayroong:“sickle cell anemia” o may katangiang ng sickle cell anemia; lukemya; tumor sa bone marrow (multiple myeloma); paling o baluktot na pagaari; “penile fibrosis” o “peyronie’s disease”; kung ikaw ay may “penile implant”; o kung ikaw ay pinayuhang huwag makipagtalik dahil sa iyong kalusugan. Upang makasiguro na ligtas gumamit ng alprostadil, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may sumusunod na kundisyon:kasaysayan ng pamumuo ng dugo; sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo (hypertension); sakit sa pagdurugo o pamumuo ng dugo; sakit na maaaring maipasa sa dugo (tulad ng hepataytis o HIV). Gumamit ng kondom upang maiwasan ang paglipat ng gamot na ito sa iyong katalik kung sya ay nagbubuntis o maaaring magbuntis. ...