Egazil
AstraZeneca | Egazil (Medication)
Desc:
Ang Egazil Durules ay naglalaman ng gamot na hyoscyamine, na nabibilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na anticholinergics (pinipigilan nito ang mga paggalaw ng mga neurotransmitter acetylcholine). Ang Egazil Durules ay ginagamit sa paggagamot ng mga sakit sa tiyan o sikmura at bituka (gastrointestinal). Katulad ng: sintomotikong terapi sa epigastralgia (pananakit ng itaas na bahagi ng sikmura); iritableng bowel syndrome (pananakit ng mga bituka at hirap sa pagdumi at/o mga sintomas ng pagkabundat at distensyon); biliary dyskinesia (bile duct spasms). ...
Side Effect:
Ang Egazil/hyoscyamine ay maaaring magdulot ng mga iba't-ibang mga epekto. Ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na mga sintomas ay malubha o hindi nawawala: pagkaantok; pagkahilo; pananakit ng ulo; paglabo ng paningin; pamumula (pakiramdam na mainit); panunuyo ng bibig; hirap sa pagdumi; hirap sa pag-ihi; pagiging sobrang sensitibo sa ilaw. Ang mga ibang mga epekto ay maaaring maging malubha. Kung iyong maranasan ang mga sumusunod na mga sintomas ay agad tawagan ang iyong dokor: pagtatae, pamamantal, pananakit ng mata; mabilis o hindi regular na tibok ng puso. Agad humanap ng atensyong medikal kung iyong maranasan ang mga sintomas ng matinding alerdyi tulad ng pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan) matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Huwag gumamit ng hyoscyamine kung ikaw ay may alerdyi dito, o kung ikaw ay may sakit sa bato; lumalaking prosteyt o suliranin sa pag-ihi; bara sa bituka; matinding ulcerative colitis, o toxic megacolon; glawkoma, o myasthenia gravis. Upang makasiguro na ligtas na gamitin ang hyoscyamine, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa puso, congestive heart failure; sakit sa ritmo ng puso; mataas na presyon ng dugo; sobrang aktibong teroydeyo; o hiatal hernia na may kasamang GERD (gastroesophageal reflux disease). Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...