Eldepryl
Somerset Pharmaceuticals, Inc. | Eldepryl (Medication)
Desc:
Ang Eldepryl na kilala sa tawag na Selegiline ay isang gamot na pumipigil sa pagkakabiyak ng mga kemikal sa utak na tinatawag na dopamine at ginagamit sa paggagamot ng sakit sa pagkilos dulot ng sakit na Parkinsons. Bagama't walang lunas sa sakit na Parkinsons, ang gamot na ito kasama ang iba pang gamot ay maaaring magpabuti ng lawak ng paggalaw at kakayanan na makalakad, makapagsuot ng damit, at makapag-ehersisyo. Gamitin ang gamot na ito sa pamamagitan ng pag-inom na kadalasan ay dalawang beses sa isang araw tuwing agahan at tanghalian o ayon sa direksyon ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nababatay sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag itataas ang dosis o dalas ng pag-inom nang wala pagsangguni sa iyong doktor. ...
Side Effect:
Kasama na ang mga kinakailangan na mga epekto, ang Eldepryl ay maaaring maging sanhi ng malubhang mga epekto tulad ng reaksyong alerdyi--pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsisikip ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, mukha; pagduduwal, panginginig, paninigas ng kalamanan, pagbabago ng pagiisip o saloobin o mood, pagkalito, depresyon, pagkahibang; paglubha ng paninigas ng kalamanan o pagpitik nito, pagbabago sa libido o abilidad nito, paglala ng panginginig; pamamaga ng bukong-bukong o binti, hirap sa pag-ihi, kakaibang pagbigat ng timbang. Kung iyong mapapansin ang mga nasabing mga epekto, agad humanap ng atensyong medikal. Agad tawagan ang iyong doktor kung ang mga sumusunod na mga epekto ay magpatuloy o maging malubha: pagkahilo, pananakit ng sikmura, panunuyo ng bibig, pananakit ng tiyan, hirap sa pagtulog at pananakit ng ulo. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong mga alerdyi o kung ikaw ay mayroon o nagkaraoon ng mga sumusunod na kondisyon: suliranin sa pagdurugo, diyabetis, kasaysayang personal o pang-pamilya ng sakit sa pag-iisip o saloobin o mood tulad ng schizophrenia, o sakit na bipolar. kasaysayan sa pamilya ng mataas na presyon ng dugo sakit sa puso tulad ng sakit sa coronary artery, kasaysayan ng angina, sakit sa atay, kasaysayan ng peptic ulcer, at hyperthyroidism. Sapagkat ang Exjade ay maaaring magdulot ng suliranin sa paningin at pagkahilo, huwag magmamaneho o gagamit ng mabibigat na makinarya hangga't ikaw ay nakasisiguro na magagampanan ng ligtas ang mga nasabing mga gawain. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito ng wala pagsangguni sa iyong doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...