Eprex

Janssen Pharmaceutica | Eprex (Medication)

Desc:

Ang Eprex/epoetin injections ay may lamang aktibong sangkap na epoetin alfa, na isang gawa ng taong bersyon ng mga natural na lumilitaw na hormong erythropoietin. Ang erythropoietin ay ipinuprodyus ng mga malulusog na bato. Pinasisigla nito ang utak ng buto upang magprodyus ng mga pulang selula ng dugo, na nagdadala ng oksiheno sa katawan. Ang Eprex ay ipinahiwatig para sa sintomatiko o transpyusyong nangangailangan ng anemyang kaugnay ng kronik na pagpapalya ng bato. Ang Eprex /epoetin alfa ay ginagamit upang gamutin ang anemya sa mga taong mayroong kronik na pagpapalya ng bato na nasa dyalisis, at sa mga taong mayroong mahinang bato na hindi pa kinakailangan ang dyalisis. Ang mga taong ito ay nagpuprodyus ng sobrang kaunting erythropoietin bilang resulta ng kanilang sakit ng bato, kaya naman ang bilang ng mga pulang selula ka kanilang dugo ay mababa (anemya). Kapag itinurok ang epoetin alfa, pinasisigla nito ang utak ng buto upang magprodyus ng mas maraming pulang selula ng dugo, at itinatama nito ang anemya. Ang Eprex/epoetin alfa ay ginagamit rin upang gamutin ang anemya sa mga pasyenteng mayroong kanser (non-myeloid malignancies) kung saan ang anemya ay sanhi ng sabay na pag-aadminestera ng kemoterapiya. Ang Eprex/epoetin alfa ay ipinahiwatig para pababain ang anemya sa mga pasyenteng mayroong kanser dahil sa ibang mga salik tulad ng mga kakulangan ng iron folate, haemolysis o pagdurugong gastro-intestinal na dapat na pangasiwaan ng tama. Ang Eprex/epoetin alfa ay ginagamit rin upang pataasin ang makukuha sa autologous na dugo mula sa mga pasyenteng nasa predonasyong programang sinimula upang bawasan ang panganib ng pagkakalantad sa transpyuson ng homologous na dugo. ...


Side Effect:

Ang mga karaniwang epekto ay maaaring may kasamang: pagduduwal at pagsusuka; pagtatae o mga sintomas na parang sa trangkaso; mga sakit ng ulo; pagtaas ng presyon ng dugo; mapanganib na altrapesyon (haypertensibong krisis); tumaas na mga bilang ng pleytlet sa dugo (thrombocytosis) sa ugat (thrombosis); reaksyon sa bahaging pinagturukan; mga reaksyon sa balat tulad ng pamamantal; sakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan; mga seizure o mga fit; pamamaga ng iyong mga paa o bukong-buokng (peripheral edema); biglang pagbagsak ng produksyon ng selula ng dugo. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago simulan ang paggamit ng Eprex, dapat mong sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng: altapresyon; sakit sa puso (tulad ng anghina); mga karamdaman sa sirkulasyon ng dugo; nagriresulta sa parang mga karayom o lamig sa mga kamay o paa o kalamnan; mga pulikat sa iyong mga binti; mga karamdaman sa pamumuo ng dugo; mga seizure o epileptic fit; kanser; anemyang mula sa ibang mga dahilan; sakit sa atay; gota; porphyria (isang madalang na karamdaman sa kulay ng balat). Kung ikaw ay isang pasyenteng may kanser, alam mo dapat na ang mga erythropoietin tulad ng Eprexmay ay gumaganap bilang salik sa paglaki at kaya naman sa teorya, ay maaaring makaapekto sa progresyon ng iyong kanser. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay gumagamit ng kahit anong gamot, kasama ang mga gamot na pwede mong bilhin kahit na walang reseta mula sa parmasya, supermarket o bilihan ng pangkalusugang pagkain. Gayun rin, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay: buntis o nagpaplanong mabuntis; nagpapasuso o balak na magpasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».