Erymax
AstraZeneca | Erymax (Medication)
Desc:
Ang Erymax na kapsula ay naglalaman ng mga aktibong sangkap ng erythromycin na isang uri ng gamot na tinatawag na macrolide na antibayotiko. Ito ay ginagamit upang gamutin ang mga impeksyon na dala ng mga bakterya. Matinding pag-ubo, impeksyon dala ng bakterya sa gitnang tenga (otitis media) o labas na parte ng kanal ng tenga (otitis external), impeksyong dala ng bakterya sa bibig, halimbawa na ng sakit sa gilagid (gingivitis), Vincent's angina at iba pa. Ang Erythromycin ay kadalasang ginagamit dalawang beses sa isang araw (kada 12 oras) o apat na beses sa isang arawa (kada anim na oras), depende sa uri ng impeksyon na ginagamot. Kailangan mong subukan na ilatag ng pantay ang mga dosis sa buong araw. Ito ay ginagamit sa impeksyong dala ng bakterya ng mga daanan ng hininga sa ilong, mga sinus at lalamunan (upper respiratory tract infection), halimbawa sinusitis, pharyngitis, laryngitis, tonsilitis. ...
Side Effect:
Ang matagalang paggagamot ng antibayotiko ay maaaring magdulot ng pagtubo ng ibang mga organismo na kayang labanan ang antibayotiko, halimbawa fungi, yeasts gaya ng Candida. Ito ay minsan nagiging dahilan ng impeksyon tulad ng thrush. Ito rin ay maaaring magdulot ng pagduduwal at pagsusuka; pananakit ng sikmura; pagtatae. Reaksyong alerdyi sa balat tulad ng pamamantal, pangangati; pagkaapekto sa iyong atay; paglaki ng atay (hepataytis). ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng sakit sa atay, pamumula ng mata o balat, colitis, problema sa tiyan o kung ikaw ay may alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor at parmasyutiko ang mga gamot na may reseta o wala na iyong ginagamot, lalo kung ito ay antibayotiko, anticoagulants at mga bitamina. Ang Erymax na kapsula ay naglalaman ng lactose at hindi nararapat sa mga taong may kakaibang namanang problema na tinatawag na galactose intolerance, kakulangan sa Lapp lactase o glucose-galactose malabsorption. Ang maliliit na bilang nga gamot na ito ay naililipat sa gatas ng ina. Hindi pa napag-alaman na nakasasama sa sumususong sanggol ngunit ang gumawa ng gamot ay nagsasabing gamitin ng may pag-iingat ng mga ina na nagpapasuso. ...