Evoltra

Genzyme | Evoltra (Medication)

Desc:

Ang Evoltra ay isang pinagsama-samang solusyon para sa pagsasalin (sterile concentrate) na inihhaanda at tinutunaw bago gamitin. Ito ay malinaw, walang kulay na solusyon na nakalagay sa isang maliit na botelya ng gamot. Ang Evoltra ay ginagamit upang lunasan ang mga batang pasyente na mayroong Acute Lymphoblastic Leukemia (ALL) kung ang mga naunang panggagamot ay di naging mabisa o nawalan ng bisa. Ang ALL ay sanhi ng abnormal na paglaki ng ilang uri ng puting selula ng dugo (white blood cells). Ang gamot na ito ay nabibilang sa pangkat ng mga gamot na kilala na antineoplastic o cytotoxic agents. Kadalasan mo ring mababalitaan na ito ay ipinapayobilang gamot kasama ng kemoterapi. Ang gamot na ito ay gumagana sa pamamagitan ng paghadlang ng paglaki at pag kumpuni ng mga selula na siya namang mabilis na dumarami, gaya ng selula na kanser, na sa huli ay maaaring mapuksa. ...


Side Effect:

Ang karaniwang epekto ng gamot na Evoltra ay ang febrile neutropenia (mababang bilang ng puting selula ng dugo na may kasamang lagnat) pagkabalisa, pananakit ng ulo, pamumula ng mukha, pagsusuka, pagtatae, pagduduwal (pakiramdam na may sakit) palmar-plantar erythrodysaesthesia syndrome (pamamantal at pamamanhid ng palad at talampakan), pruritus (pangangati), pyrexia (lagnat), mucosal inflammation (pamamaga ng mga mamasa-masang parte ng katawan, gaya ng paligid ng bibig) at pagkapagod. ...


Precaution:

Ang Evoltra ay hindi maaring gamitin sa mga taong may alerdyi sa clofarabine o anumang sangkap. Ang Evoltra ay hindi dapat ibigay sa mga pasyenteng may malalang sakit sa bato o atay. Kailangang itigil ang pagpapasuso sa sanggol bago gumamit, habang gumagamit o pagkatapos gumamit ng Evoltra. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».