Exsel

Allergan | Exsel (Medication)

Desc:

Exsel/selenium sulfide ay ginagamit upang lunasan ang balakubak at iba pang impeksyon sa anit (seborrheic dermatitis). Ito ay nakapagpapabawas ng pangagati, pagkatuklap, iritasyon, at pamumula ng anit. Ito rin ay ginagamit sa mga kundisyon na nagiging sanhi ng pagkawala ng kulay ng balat o an-an (tinea versicolor). Ang gamot na ito ay nabibilang sa uri ng mga gamot na tinatawag na pangiwas-impeksyon o anti-infective. Ito ay mabisa sa pagpigil ng paglaki ng sanhi ng impeksyon. Ang gamot na ito ay ginagamit lamang para sa balat. Alugin ng mabuti ang botelya bago gamitin. Bago gamitin ang gamot na ito, alisin ang anumang alahas upang maiwasan na masira ito. Iwasan na malagyan ang paligid ng mata. Kung may maipahid sa iyong mata, hugasang mabuti ng malinis na tubig. Huwag gagamitin ang gamot na ito sa sugat, pamamaga o iritableng balat (hal. bukas na sugat). ...


Side Effect:

Maaring magkaroon ng iritasyon sa balat, pagkatuyo ng balat, malangis o tuyong buhok/anit, o pansamantalang pagkalagas ng buhok. Kung ang mga nasabing epekto ay nagpapatuloy o lumalala, itigil ang paggamit at sumangguni agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Maaring magresulta sa pagkawala ng kulay ng buhok at maaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbanlaw ng mabuti ng buhok pagkatapos ng bawat paggamot. Agad humanap ng atensiyong medikal kung nakakaramdam ng anumang sintomas ng seryosong pangangati kagaya ng mga sumusunod:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, o hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Exse, isangguni muna sa iyong doktor or parmasyutika kung ikaw ay may alerdyi o mayroon o nagkaroon ng:pamumula/iritasyon/pagkabiyak ng balat. Ang gamot na ito ay hindi nirerekomenda sa mga bata na mababa sa edad na 2 taon. Sumangguni sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito. Kung ikaw ay gumagamit ng selenium sulfide sa iyong katawan para sa an-an, ang gamot na ito ay maaaring gamitin habang nagbubuntis kung lubos na kinakailangan. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».