Actiq
Cephalon | Actiq (Medication)
Desc:
Ang Actiq / fentanyl citrate ay isang gamot sa sakit na opioid. Ang isang opioid ay tinatawag minsan na isang narkotiko. Ang gamot na ito ay isang reseta sa narkotikong pananakit na ginagamit upang gamutin ang pagsiklab na papanakit sa mga taong may kanser na regular na umiinom ng narkotikong gamot para sa sakit na kanilang nararamdaman. Ito ay isang uri ng lozenge na may isang hawakan upang ilagay sa bibig sa pagitan ng pisngi at gilagid. Ang mga epekto ng fentanyl ay ang mga sumusunod:lunas sa sakit; pagkaaantok; mga pagbabago sa mood, kabilang ang pagkabalisa/pagkabahala - dysphoria o hindi karaniwang kasiya-siyang damdamin - euphoria; pagpigil sa ubo; pinabagal o mababaw ang paghinga; pagbagal ng digestive tract, na maaaring humantong sa paninigas ng dumi; pupil constriction o pagdepende sa gamot. Ang dosis (dosage) ng Actiq ay inireseta ng isang doktor at nag-iiba depende sa mga sumusunod na kadahilanan:ang uri at kalubhaan ng iyong sakit, ang pagtugon sa gamot, iba pang mga gamot na iniinom at mga kondisyong medikal na mayroon ka. ...
Side Effect:
Ang Actiq ay karaniwang disimulado (well tolerated). Gayunpaman, tulad ng anumang gamot, maaaring magdulot ng iba pang epekto. Ang pinaka-karaniwang epekto ng Actiq ay:pagduwal, pagkahilo, pagkaantok, pagsusuka, panghihina, pananakit ng ulo, paninigas ng dumi, pagkalito, pagkahingal at pagkabalisa. Ang iba pang mga hindi gaanong seryosong epekto ay:abnormal na lakad; tuyong bibig; kaba, pamumula; pangangati; pagpapawis; mga pagbabago sa paningin; guni-guni; mga problema sa pagtulog; lagnat at panginginig; sakit sa likod; sakit sa dibdib; pagtatae; pamumuo ng gas; hindi pagkatunaw ng pagkain o heartburn; namamagang lalamunan o ubo. Bagaman hindi ito isang tukoy na epekto na nakita sa mga klinikal na pagaaral, may mga ulat tungkol sa mga cavities at tooth decay na nabubuo sa paggamit ng Actiq. Ito ay nangyayari dahil ang Actiq ay naglalaman ng asukal. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Actiq, sabihin sa iyong doktor kung mayroon ka ng mga sumusunod:kasaysayan ng pagiging “dependent” sa droga o alkohol o pang-aabuso; sakit sa atay tulad ng cirrhosis, liver failure o hepatitis; sakit sa bato, tulad ng “kidney failure”; nagkaroon ng mga problema sa paghinga, hika, “chronic obstructive pulmonary disease” (COPD), o anumang iba pang sakit sa baga; isang pinsala sa ulo, tumor sa utak, o pagtaas ng presyon sa paligid ng utak; na-stroke; nagkaroon ng “seizure”; mabagal na rate ng puso o abnormal na ritmo ng puso; “hypotension”; diyabetes o anumang mga alerdyi, kabilang ang sa mga pagkain, tina, o “preservatives”. Ang mga kaso ng pagkamatay sa mga bata na hindi sinasadyang kumuha ng Actiq ay naiulat, kaya napakahalagang itago ang gamot na ito sa isang ligtas na lugar, malayo sa mga bata na maaaring mapagkamalan ang lozenges na isang lollipop. Ang Actiq ay maaaring makapagpaantok sa iyo, at ang iyong mga reflexes at oras ng reaksyon ay maaaring mabago nang malaki, kahit na mabuti ang iyong pakiramdam, kay inirerekomenda na huwag magmaneho o magpatakbo ng mabibigat na makinarya hanggang malaman mo ang epekto ng Actiq sayo. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...