Lodrane

ECR Pharmaceuticals | Lodrane (Medication)

Desc:

Ang Lodrane/brompheniramine ay isang antihistamine na nagbabawas sa mga epekto ng natural na kemikal na histamine sa katawan. Ang histamine ay pwedeng magprodyus ng mga sintomas ng pagbahing, pangangati, matubig na mga mata, at makating ilong. Ito ay ginagamit upang gamutin ang makating ilong, pagbahing, pangangati, at matutubig na mga mata na sanhi ng mga alerhiya, karaniwang sipon, o trangkaso. ...


Side Effect:

Ang pagkaantok, pagkahilo, tuyong bibig/ilong/lalamunan, sakit ng ulo, pag-iiba ng tiyan, o hirap makatulog ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang produktong ito, sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay may kahit anong mga alerhiya; kung ikaw ay umiinom ng kahit anong ibang mga gamot o kung ikaw ay mayroon o nagkaroong ng alinman sa mga sumusunod na kondisyong medikal: mga problema sa paghinga (tulad ng hika, empaysema), dyabetis, glawkoma, mga problema sa puso, altapresyon, mga problema sa bato, sakit sa atay, mga seizure, mga problema sa tiyan/bituka (tulad ng mga ulser, pagbabara), sobrang aktibong teroydeo (hyperthyroidism), hirap sa pag-ihi (tulad ng lumaking prosteyt). Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ang pag-inom ng alak. Ang mga likidong produkto, mga nangunguyang tablea, o natutunaw na mga tableta/strip ay maaaring may lamang asukal o aspartame. Ang mga likidong produkto ay maaaring may lamang alkohol. Ang pag-iingat ay inaabiso kung ikaw ay mayroong dyabetis, pagkadepende sa alak, sakit sa atay, phenylketonuria (PKU), o kahit anong ibang kondisyong kinakailangang limitahan/iwasan mo ang mga substansyang ito sa iyong diyeta. Tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng gamot na ito. Ang mga bata ay maaaring maging higit na sensitibo sa mga epekto ng produktong ito, lalo ng pagkasiglat at agitasyon. Ang ibang mga adulto ay maaaring maging higit na sensitibo sa mga epekto ng produktong ito, lalo na sa pagkahilo, pagkaantok, o mga problema sa pag-ihi. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».