Losita
Eskayef Bangladesh Limited | Losita (Medication)
Desc:
Ang Losita ay isang tatak para sa escitalopram, isang antidepressant na nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na mga selective serotonin reuptake inhibitor. Ang gamot na ito ay ginagamit sa paggagamot ng depresyon at pangkalahatang karamandamang pagkabalisa sa mga adulto at kabataang 12 taong gulang man lamang. Ito ay iniriresetang gamot lamang at dapat na inumin gamit ang bibig, eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis at dadalasan ang pag-inom ng walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Pinakakaraniwan, ang Losita ay maaaring magsanhi ng pagkahilo, pagkaantok, mga problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog), malumanay na pagduduwal, gas, pangangasim ng sikmura, pag-iiba ng tiyan, konstipasyon, mga pagbabago sa timbang, bumabang pansekswal na drayb, pagkainutil, o hirap magkaroon ng kasukdulan sa pakikipagtalik, tuyong bibig, paghikab, o pagtunog sa mga tainga. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga higit na masamang reaksyon ay may kasamang: sobrang tigas na mga kalamnan, mataas na lagnat, pamamawis, mabilis o hindi pantay na mga tibok ng puso, mga pangangatog, sobrang aktibong mga repleks, pagduduwal, pagsusuka, kawalang ng ganang kumain, pakiramdam ng hindi kapirmihan, kawalan ng koordinasyon; o sakit ng ulo, hirap sa konsentrasyon, mga problema sa memorya, panghihina, pagkalito, mga halusinasyon, pagkahimatay, seizure, mababaw na paghinga o paghingang tumitigil, mga pagbabago sa kalooban o gawi, pagkabalisa, mga atake ng panik, hirap makatulog, impulsibong pakiramdam, irritable, balisa, mapanganib, agresibo, walang kapahingahan, higit na depres, o magkaroon ng mga kaisipang tungkol sa pagpapakamatay o pananakit ng iyong sarilli. Kung ikaw ay mayroong mapansing alinman sa mga ito, humingi ng agarang tulong medikal. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay o bato, mga seizure o epilepsi karamdamang baypolar (depresyong manik); o kasaysayan ng pag-abuso sa droga o mga kaisipang pagpapakamatay. Dahil ito ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...