Micanol

Bayer Schering Pharma AG | Micanol (Medication)

Desc:

Ang Micanol cream ay may lamang aktibong sangkap na dithranol na kilala bilang anthralin. Ang medikasyong ito ay ginagamit para sa paggagamot ng matagalang soryasis, ngunit hindi para sa matinding pagsisimula ng soryasis. Ang Micanol ay isang topical cream at dapat na ilagay sa malinis at tuyong apektadong mga bahagi ng balat isang beses kada 24 oras, o ayoon sa dinirekta ng iyong doktor. Sundin ng eksakto ang mga instruksyong nasa pabalat para sa tamang paggamit. Ito ay para lamang sa balat at/o anit, iwasang mailagay sa mga mata, bibig, o ilong. Hindi rin ito pwedeng gamitin sa mukha o ari. ...


Side Effect:

Pinakakaraniwan, ang Micanol ay maaaring magsanhi ng pansamantalang pamumula o iritasyon ng ginamot na balat. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga higit na masamang reaksyong ay madalang, ngunit, kung may mapansing kang alinman sa mga sumusunod, humingi ng agarang alagang medikal: dumaming pamamaga ng balat, pagkalat ng soryasis, pag-iiba ng kulay ng buhok o pagmamantsa sa balat at mga tela. Ang reaksyong alerdyi rin ay madalang, ngunit kung alinman sa mga sumusunod ang mangyari, humingi ng tulong medikal: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Micanol, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong alerhiya, kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroong ibang mga sakit, lalo ng ibang kondisyon sa balat o mga problema sa bato. Ang krim ay dapat na banlawan para maalis kadalasan ay hindi hihigit sa 30 minuto pagkatapos ilagay, gumagamit lamang ng maligamgam na tubig. Huwag gagamit ng mainit na tubig, sabon, o syampu upang alisin ang krim, ang mga ito ay pwedeng makapinsala sa base ng krim at magresulta sa dumaming pagmamantsa o iritasyon ng balat. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».