Miostat
Alcon | Miostat (Medication)
Desc:
Ang Miostat/carbachol ophthalmic, ay ginagamit upang bawasan ang presyur sa mata sa pamamagitan ng pagpapadami sa likido na tumatagas mula sa mata dahil sa glawkoma o ibang mga sakit sa mata tulad ng ocular hypertension. Ang pagpapababa ng mataas na presyur sa loob ng mata ay nakakatulong sa pagpipigil ng pagkabulag, pagkawala ng paningin, at pinsala sa nerb. Gamitin ang mga pamatak sa mata ng eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor para sa para sa iyong kondisyon at sundin ang mga instruksyong nasa etikita. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ang paggamit ng walang abiso ng iyong doktor. Kung ikaw ay nagsusuot ng mga lenteng kontak, alisin muna ang mga ito bago gumamit ng pamatak. Maghintay ng 15 minuto man lamang bago ibalik ang iyong mga lenteng kontak. ...
Side Effect:
Ang Miostat ay maaaring karaniwang magsanhi ng mga sumusunod: pansamantalang iritasyon, pagpapaso o pagkirot ng mata, pansamantalang paglalabo ng mata, mahinang paningin sa malabong ilaw, sakit ng ulo, o sakit ng kilay. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga higit na seryosong epektong pwedeng mangyari ay may kasamang: reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; sakit ng mata, pamumula, pagtatae, pagduduwal, sakit o pamimilipit ng tiyan, dumaming laway, hindi pangkaraniwang pagpapawis, at mga pagbabago sa paningin. Kung ikaw ay may mapansing alinman sa mga ito, o kahit anong ibang mga senyales, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Miostat, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya, kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: hika, ibang mga problema sa mata tulad ng iritis o corneal abrasion, sakit sa puso tulad ng pagpapalya ng puso at kamakailan lamang na atake ng puso, mababa o mataas na presyon ng dugo, hyperthyroidism, Parkinson, mga problema sa tiyan o bituka tulad ng mga ulser, pamimilipit, o ibang mga problema sa pag-ihi. Dahil ang Miostat ay pwedeng magdulot ng mga problema sa paningin, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng Miostat kung walang abiso ng doktor. ...