Multaq
Sanofi-Aventis | Multaq (Medication)
Desc:
Ang Multag ay mayroong aktibong sangkap na dronedarone, isang antiarrhythmic na ginagamit na panglunas sa mga heart rhythm disorders na tinatawag na atrial fibrillation o atrial flutter. Ang gamot na ito ay tumutulong na panatiliing normal ang tibok ng puso para sa mga tao na may delikadong heart rhythm disorder ng atrium at mga risk factors tulad ng diabetes, high blood pressure, kasaysayan ng stroke, o pagiging higit sa 70 taong gulang. Ang gamot na ito ay kinakailangan ng preskripsyon at iniinom ayon sa direksyon ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosage ay ayon sa iyong kondisyong medikal at tugon sa gamutan. Huwag itaas ang dosage o dalas ng paggamit nang walang payo ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Pinakakaraniwan, ang Multag ay maaring magdulot ng: pagkaduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan, diarrhea, problema sa tiyan; panghihina o pagkapagod; o katamtamang pamamantal sa balat, pamumula, o pangangati. Kung magtagal o lumala ang mga ito, tumawag sa iyong doktor. Mga mas malubhang side effects ay: allergic reaction – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, mukha, o kumpol na pamamantal; mabagal na tibok ng puso, mabilis o malakas na tibok ng puso, pagkahimatay, nagsisimula o lumalalang problema sa tibok ng puso, paninikip ng dibdib kahit sa katamtamang pagkilos, pamamaga sa bukong-bukong o paa, mabilis na pagtaas ng timbang; paghingal, pag-ubo, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, pag-ubo na may kasamang uhog; problema sa paghinga habang nakahiga o sinusubukang matulog; o mga sintomas ng low electrolytes tulad ng pagkalito, matigtig na kilos ng mga kalamnan, hindi regular na tibok ng puso, labis na pagka-uhaw, madalas na pag-ihi, discomfort sa mga hita, panghihina ng mga kalamnan o pakiramdam ng panghihina. Kung mamalas ang mga sumusunod na ito, humanap kaagad ng atensyong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Multaq, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies, kung gumagamit ng ibang gamot o kung nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay; kasaysayan ng pagpalya ng puso; electrolyte imbalance tulad ng mababang lebel ng potassium o magnesium sa iyong dugo; o kung ikaw ay may nakatanim na pacemaker o defibrillator sa iyong dibdib. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng kanilang mga doktor. ...