Murine Plus
Abbott Laboratories | Murine Plus (Medication)
Desc:
Ang Murine Plus/tetrahydrozoline ay isang decongestant na ginagamit upang bigyan ginhawa ang pamumula sa mata na dulot ng katamtamang iritasyon (hal. , hamog, paglangoy, alikabok, o usok). Ito ay kabilang sa mga uri ng gamot na tinatawag na symphatomimetic amines. Ito ay pansamantalang pinapakitid ang mga ugat papunta sa mata. May mga tatak ng tetrahydrozoline eye drops na naglalaman ng lubricants. Ang mga lubricants ay piniproteksyunan ang mga sa mga iritasyon at pagkatuyo. ...
Side Effect:
May mga maaring side effects na maranasan sa paggamit ng gamot na ito, tulad ng: pananapdi/pamumula sa mata, paglaki ng mga balintataw, o paglabo ng paningin. Kung magtagal o lumala ang mga sintomas na ito, ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor o pharmacist. Marami sa mga gumagamit ng gamot na ito ay hindi nakararanas ng side effects. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung makaranas ng mga sumusunod na pambihira, ngunit malubha, na side effects: panginginig (tremors), mabilis/malakas/iregular na tibok ng puso, pananakit ng ulo, pamamawis, panghihina, pagiging nerbyoso. Itigil ang paggamit ng gamot na ito at ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na pambihira, ngunit malubha, na side effects: pananakit ng mata, lumulubhang pamumula/pangangati/pamamaga sa paligid ng mata, o iba pang problema sa paningin. Humanap kaagad ng atensyong medikal kung maranasan ang mga sumusunod na sintomas ng malubhang allergic reaction, tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), labis na pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Huwag gumamit ng Murine Plus kung ikaw ay allergic sa kahit anong sangkap ng Murine Tears; o kung ikaw ay gumamit ng furazolidone o monoamine oxidase (MAO) inhibitor (hal. , phenelzine) sa loob ng lumipas na 14 araw. Bago gamitin ang Murine Plus, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ng glaucoma, problema sa puso (hal. , atake sa puso, pananakit sa dibdib), high blood pressure, diabetes, impeksyon/sakit sa mata, overactive thyroid (hyperthyroidism). Hindi inirerekomenda ang paggamit ng Murine Plus para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng kanilang doktor. ...