Myfortic
Novartis | Myfortic (Medication)
Desc:
Ang myfortic/mycophenolic acid delayed-release ay ginagamit sa prophylaxis ng organ rejection sa mga pasyenteng tumatanggap ng allogeneic renal transplants, at ginagamit kasabay ang cyclosporine at mga corticosteroid. Ang mga pasyente ay dapat sabihan na ang mga tabletas ng Myfortic ay hindi dapat durugin, nguyain, o putulin bago inumin. Ang inirerekomenda na dose ng Myfortic ay 720mg, dalawang beses sa isang araw (kabuuan ng 1440mg) isa o dalawang oras bago kumain. ...
Side Effect:
Tumawag sa iyong doktor kung makaranas ng sintomas ng impeksyon tuald ng: lagnat, flu, baradong ilong, pag-ubo, pananakit ng lalamunan, pamamaga ng glands; pananakit ng tiyan, pagsusuka, diarrhea, pagbaba ng timbang; pananakit sa tainga, pananakit ng ulo; mga puting batik o sugat sa iyong bibig o lalamunan; maputlang balat, madali masugatan o kakaibang pagdugo; pagkalito; pagbabo sa kalagayan ng isip, problema sa paningin, pananalita, alaala, balanse, o paglalakad; panghihina sa mga hita, kawalan ng koordinasyon; dugo sa ihi, pangingirot o pananapdi kapag umiihi, pamamaga, pag-init, pamumula, o pagkakaroon ng katas sa sugat sa balat; o pagkakaroon ng bagong bukol o sugat sa iyong balat, o nunal na nagbago ang laki o kulay. Tumawag sa iyong doktor kung ikaw ay may seryosong side effects habang gumagamit ng Myfortic tulad ng: mabilis na tibok ng puso, mabilis at mababaw na paghinga, pagkahimatay; pag-ubo ng dug o pagsuka ng mukhang butil ng kape; madugo, maitim, o kulay burak na dumi; labis na pagka-uhaw, pagdalas ng pag-ihi, discomfort sa mga hita, panghihina ng mga kalamnan o pakiramdam ng panghihina; o pancreatitis (labis na pagkirot sa sikmura na kumakalat hanggang sa likod, pagkaduwal at pagsusuka, mabilis na tibok ng puso). Mga hindi gaanong seryosong side effect ng Myfortic ay: hindi pagdumi, pagtaas ng timbang, pananakit ng kalamnan o kasu-kasuan, pananakit ng likod, pagkahilo, pagkabalisa, problema sa pagtulog (insomnia); o pamamaga sa iyong mga kamay o paa. Humanap kaagad ng atensyong medikal kung maranasan ang mga sumusunod na sintomas ng allergic reaction: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), labis na pagkahilo, at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies. Sabihin din sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay nagkaroon na ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, colitis, o mga sakit sa tiyan. Habang nasa gamutan gamit ang Myfortic, ang paggamit ng live attenuated vaccines ay dapat iwasan at dapat payuhan ang mga pasyente na maaring hindi maging mabisa ang mga bakuna. Ang mga babae na may kakayanang magbuntis ay dapat makatanggap ng contraceptive counseling at gumamit ng aprubadong kontraseptib. Dapat nilang malaman na ang gamot na ito ay may maaring magdulot ng first trimester pregnancy loss at congenital transformation, dagdag pa, kailangan nilang payuhan ukol sa pag-iwas sa pagbubuntis at pagpaplano. ...