Novo - Spiroton
Novo Nordisk | Novo - Spiroton (Medication)
Desc:
Naglalaman ang Novo-Spiroton ng aktibong sangkap ng spironolactone, isang gamot na dayuretiko (nagpapadalas ng pag-ihi). Binabawasan ng gamot na ito ang pagpapanatili ng likido (nagdudulot ng pamamanas) sa katawan at pinipigilan ang sobrang pagsipsip ng asin. Ginagamit ang Novo-Spiroton ay ginagamit upang gamutin ang pamamanas (pagpapanatili ng likido) na nangyayari na may congestive heart failure, cirrhosis ng atay, at nephrotic syndrome (sakit sa bato). Ginagamit din ito upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo at upang masuri at magamot ang pangunahing hyperaldosteronism (mataas na antas ng alsoterone). Ito ay isang de-resetang gamot lamang at dapat inumin sa pamamagitan ng bibig, tulad ng itinuro ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon ng katawan sa paggagamot. Huwag dagdagan ang dosis o dalas ng pag-inom nang walang payo ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang mga epekto at sanhi ng Novo-Spiroton ay kasama ang pagtatae, pagduwal, pagsusuka, lagnat, pagkalito, pag-aantok, pagkahilo at pananakit ng ulo, erectile dysfunction (problema sa ari) sa mga kalalakihan, at iregular o pagkawala ng regla sa mga kababaihan. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mas malubhang epekto ay: isang reaksiyong alerdyi - pamamantal na may kasamang pamumula, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; sakit ng kalamnan o panghihina, mabagal na tibok ng puso (bradycardia), iregular na tibok ng puso (arrhythmia), at hindi pangkaraniwang mga pakiramdam ng balat tulad ng pagkasunog, pamamanhid na may tumutusok-tusok. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Novo-Spiroton ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga alerdyi, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon kang anumang karamdaman lalo na ang mga kondisyon sa atay o hypopotassemia (mababang antas ng potassium sa dugo). Dahil ang Novo-Spiroton ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pag-aantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang hindi nasigurong ligtas mong maisasagawa ang aktibidad na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gumamit ng Novo-Spiroton nang walang payo ng iyong doktor. ...