ONFI
Lundbeck | ONFI (Medication)
Desc:
Ang Onfi ay isinasabay sa iba pang gamot upang gamutin ang seizures sanhi ng Lennox-Gastaut syndrome, isang matinding epilepsy mula pagkabata na nagdudulot ng problema sa paglaki at pag-iisip. Ang Onfi/clobazam ay isang benzodiazepine na nakakaapekto sa balanse ng utak na maaaring magdulot ng pagkabalisa. ...
Side Effect:
Ang mga epekto na maaaring maranasan sa paggamit ng gamot na ito ay ang pagkaantok, pagkahilo, pagkapagod o pagduduwal. Bihira naman ang mga epekto tulad ng paninigas ng dumi, kawalan ng gana kumain, panghihina ng kalamnan, panunuyo ng bibig, panginginig, pagtaas ng timbang o kawalan ng pahinga. Ipagbigay alam sa iyong doktor kung makaramdam ng paglala ng mga sintomas gayundin kung makaranas ng mga iregularidad sa pagtibok ng puso, pagbabao sa paningin, pagka-utal, pagkalito, depresyon, pagiging iritable at pagbabago sa pag-uugali. Wala naman naiulat na allergic reactions tulad ng pamamantal, pangangati, pamamaga, matinding pagkahilo at hirap sa paghinga, subalit kung sakaling maranasan ang mga sintomas na ito ay ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor. ...
Precaution:
Ipagbigay alam sa iyong doktor ang anumang uri ng alerdyi o mga kasaysayang medikal tulad ng sakit sa bato, sakit sa atay, sakit sa paghinga, depresyon, matinding panghihina ng kalamnan, ilang uri ng glaucoma at pagkalulong sa kemikal. Dahil ang gamot na ito ay nagdudulot ng pagkahilo o pagkaantok, ipinapayo na huwag magmaneho, gumamit ng makinarya o gumawa ng mga aktibong gawain upang masiguro ang kaligtasan. Limitahan din ang pag-inom ng alak at maaari itong makadagdag sa pagkahilo. Mas malimit na makaramdam ng mga epekto ang mga matatanda kaya ipinapayo ang ibayong pag-iingat. Hindi din ito nirerekomenda sa buntis at nagpapasuso dahil ang gamot na ito ay maaaring humalo sa gatas ng ina. Kailangan ang pahintulot ng iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito. ...