Opti - Clear
Alcon | Opti - Clear (Medication)
Desc:
Opti - Clear / tetrahydrozoline ay isang decongestant na ginagamit upang mapawi ang pamumula ng mga mata sanhi ng mga banayad na mga pangangati dulot ng usok, paglangoy o alikabok. Ito ay nabibilang sa isang uri ng gamot na kilala bilang mga sympathomimetic amin. Pansamantalang pinapakitid nito ang mga daluyan ng dugo sa mata. Upang maiwasan ang kontaminasyon, maghugas muna ng mga kamay bago magpatak at huwag hawakan ang dulo ng pampatak o hayaang dumampi ito sa iyong mata o anumang iba pang nasa ibabaw. Alisin ang mga contact lens bago patakan ang mata. ...
Side Effect:
Bihira ang mga seryosong epekto tuald ng pananakit ng mata, lumalalang pamumula / pangangati / pamamaga sa mga mata o sa paligid nito at mga problema sa paningin, subalit agarang ipagbigay alam sa iyong doktor kung makaranas ng mga ganitong sintomas. Wala pa naman naitalang mas seryosong epekto subalit itawag agad sa iyong doktor kung makakaranas ng mga sumusunod: pagkabalisa (panginginig), iregualr na pagtibok ng puso, pananakit ng ulo, pagpapawis, panghihina at pagkanerbiyos. Agad din hingan ng tulong medikal ang mga sintomas ng isang seryosong allergic reactions tulad ng pantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Opti - Clear, ipagbigay alam sa iyong doktor ang iyong medikal na kasaysayan tulad ng glaucoma, sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, diyabetes, impeksyon / pinsala sa mata at hyperthyroidism. Pagkatapos mailapat ang gamot na ito, makakaranas ng pansamantalang panlalabo ng paningin kuya kaya't iwasan ang magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng malinaw na paningin upang masiguro ang iyong kaligtasan. Hindi nirerekomenda ang Opti-Clear sa mga nagdadalang tao o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng iyong doktor. ...