Optilast
Meda Pharmaceuticals | Optilast (Medication)
Desc:
Ang Optilast ay naglalaman ng antihistamine na tinatawag na azelastine hydrochloride na siyang pumipigil sa epekto ng histamine sa katawan na nagiging sanhi ng allergic reaction. Ang Optilast ay gumagamot at pumipigil ng mga alerdyi tulad ng seasonal allergic conjunctivitis (lagnat dulot ng alerdyi sa polen) at perennial allergic conjunctivitis (alerdyi sa iba pang sangkap tulad ng alikabok at mga hayop na maaaring makuha anumang oras). Ilan sa mga sintomas nito ay pamumula, pangangati o pagtutubig ng mata, kung minsan ay may kasamang pagbahing o pagsipon, pangangati at pagbara ng ilong. Ang Optilast ay nakakatulong sa mga sintomas ng mata. ...
Side Effect:
Maaaring magdulot ng pagkairita ng mata ang Optilast paminsan-minsan subalit wala naman naiulat na mapait na panlasa matapos mailapat ang gamot. Wala naman gaanong naiulat na allergic reactions na dulot nito gayundin ang paggamit nito na sobra sa dosis. Wala din naiulat na nakakalason na dosis ng azelastine hydrochloride sa mga tao, subalit sa kaso ng overdose o intoxication, asahan ang mga posibleng magiging problema sa central nervous system gaya ng resulta ng eksperimentong ginawa sa mga hayop. Ang lunas para sa sakit na ito ay kailangan malaman kundi man ay magkaroon ng pangontra. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Optilast, ipagbigay alam sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ikaw ay may alerdyi sapagkat ito ay naglalaman ng sangkap tulad ng benzalkonium chloride na maaaring magdulot ng allergic reactions o ng iba pang sakit. Ang Optilast ay hindi nirerekomenda sa mga nagsusuot ng contact lens o para gamutin ang impeksyon sa mata. Hindi din ito nirerekomenda na gamitin sa paggamot ng perennial allergic conjunctivitis ng mahigit na 6 na linggo. Tulad ng ibang eye drops, may posibilidad ng panlalabo ng paningin matapos mapatakan ang mata nitong Optilast kung kaya't ipinapayo na iwasan ang magmaneho o gumamit ng mga makinarya upang masiguro ang kaligtasan. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...