Orelox

Sanofi-Aventis | Orelox (Medication)

Desc:

Ang Orelox ay naglalaman ng cefpodoxime na isang oral third generation cephalosporin antibiotic at tumutulong sa paggamot ng mga bacterial infections tulad ng acute bronchitis, paglala ng chronic bronchitis, pneumonia, otitis media, sinusitis, pharyngitis, tonsillitis, impeksiyon sa urinary tract o bato, Gonorrhoea, abscesses, boils, cellulitis, folliculitis at mga may impeksyon na sugat o singaw. Ang Orelox ay mabisa lamang sa paggamot ng bacterial infection at hindi naaayon sa viral infection tulad ng lagnat at sipon. Ito ay de-resetang gamot lamang at iniinom kada 12 oras o depede sa itinuro ng iyong doktor. Ang dosis ay depende sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa gamutan. Huwag dagdagan o dalasan ang dosis ng walang pahintulot ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ang Orelox ay kadalasang nagdudulot ng pagtatae, pagkahilo, pagsusuka o pananakit ng ulo. Kung ang alinman dito ay lumala at nagpatuloy, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor. May iba pang naitalang malalang epekto tulad ng pamamaga ng alakan o paa, mabilis na pagtibok ng puso, pagkapagod, hirap sa paghinga, mga senyales ng impeksyon tulad ng lagnat at malalang pananakit ng lalamunan, madilim na ihi, malalang pagkahilo pagsusuka, paninilaw ng mata o balat, , madaling pagtamo ng pasa o pagdudugo, pagbabago sa dami ng ihi, pagbabago sa paningin, pagka-utal, pagbabago sa pag-iisip o mood gaya ng pagkalito, malalang pagtatae, pananakit ng tiyan o puson at dugo o plema sa iyong dumi. Kung mapansin ang mga sintomas na ito, agad na humingi ng tulong medikal. Wala naman naitalang mga allergic reactions tulad ng pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagbabara ng lalamunan, at pamamaga ng labi, dila or mukha. Subalit kung sakaling makaranas ng mga ganitong sintomas ay itawag agad sa iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Orelox, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi, kung gumagamit ng iba pang gamot o kung may medikal na kondisyon tulad ng sakit sa bato, sakit sa tiyan at sakit sa bituka (colitis). Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».