Pacerone

Upsher-Smith Laboratories | Pacerone (Medication)

Desc:

Ang Pacerone/amiodarone ay ginagamit upang makatulong na mapanatili ang normal na pagtibok ng puso sa mga taong may nagbabantang buhay na sakit sa ritmo ng puso sa mga ventricles (ang mas mababang silid ng puso na nagpapahintulot sa dugo na dumaloy sa labas puso). Ginagamit ito upang gamutin ang ventricular tachycardia o ventricular fibrillation. Ito ay isang antiarrhythmic na paggamot na nakakaapekto sa ritmo ng pagtibok ng puso. Ang Pacerone ay ginagamit lamang sa mga sitwasyong nagbabanta sa buhay. May potensyal na maaari kang makakaranas ng mga epekto na nakakamatay sa gamot na ito, at matatanggap mo ang unang ilang dosis mo sa setting ng ospital. ...


Side Effect:

Tumawag ng iyong doktor kaagad kapag nagkaroon ka nga mga seryosong epekto, kahit na nangyayari ito ilang buwan pagkatapos mong tumigil sa paggamit ng amiodarone: isang bago o isang lumalalang hindi regular na anyo ng pagtibok ng puso, mabilis, mabagal, o kumakabog na pagtibok ng puso; pakiramdam na para kang mahihimatay; pagsumingasing, pagubo, sakit sa dibdib, problema sa paghinga, pagubo ng dugo malabong paningin, nawawalang paningin, sakit sa ulo o sa likod ng iyong mga mata, minsan may pagsusuka; pakiramdam na maiksi ang paghinga, kahit may konting pagpupumilit, pamamaga, mabilis na pagdagdag ng timbang; pagbaba ng timbang, pagnipis ng buhok, pakiramdam na masyadong mainit o maginaw, pagdagdag pawis, hindi regular na regla, pamamaga sa iyong leeg (goiter); pamamanhid, parang nasusunog na pakiramdam, sakit, o kiliti sa mga kamay mo o paa; o pagduduwal, pagsusuka, masakit na tiyan, tibi, nawalan ng gana kumain, problema sa pagtulog (insomnia); panghihina, kakulangan sa koordinasyon; o init, pangingilig, o pamumula sa ilalim ng iyong balat. Humingi kaagad ng medikal na atensyon kapag nararanasan mo ang anomang mga sintomas ng isang seryosong reaksyon sa alerdyi, kabila na ang: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago kunin ang Pacerone, sabihin sa iyong tagapagbigay alaga sa kalusugan kung mayroon kang mga alerdyi; sakit sa atay, sakit sa baga, mga problema sa teroydeo. Ang gamot na ito ay maaaring makakapaghilo sa iyo. Huwag magmaneho, gumamit ng mga makinarya, o gumawa ng kahit anong mga aktibidad na nangangailangan ng pagka alerto hanggang sa sigurado mo nang magagawa ng ligtas ang mga aktibidad na ito. Limitahan ang inuming alak, Ang gamot na ito ay maaaring mas makakapagsensitibo sa iyo sa araw. Iwasan ang matagal na pagkalantad sa araw, mga tanning booths, at mga sunlamps. Gumamit ng sunscreen at magsout ng pamproteksiyong damit kapag nasa labas. Bago magpapaopera, sabihin sa iyong doktor o dentista tungkol sa lahat ng mga produktong ginagamit mo (kabilang na ang resetang gamot, hindi resetang mga gamot, at produktong herbal). Ang Pacerone ay maaaring maging sanhi ng isang kondisyon na nakakaapekto sa ritmo ng puso (QT prolongation). Ang QT prolongation ay maaaring madalang na nagreresulta ng seryoso (bihirang nakakamatay) mabilis/ hindi regular na pagtibok ng puso at iba pang mga sintomas (gaya ng matinding pagkahilo, pagkahimatay) na kinakailangan ng agarang medikal na atensyon. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso hindi inererekomenda na gumamit ng Pacerone ng walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».