Petinutin

Pfizer | Petinutin (Medication)

Desc:

Isang gamot na kontra-epileptiko ang Petinutin o methsuximide, na tinatawag ding anticonvulsant. Ang gamot na ito ay ginagamit ng walang kasabay o pwedeng kasama ng iba pang mga gamot upang gamutin ang seizure na tinatawag ding petit mal seizure sa mga mga bata at matatanda. ...


Side Effect:

Mayroong ilang mga epekto na maaaring mangyari pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: pag-aantok, pagkahilo, sakit ng tiyan o sikmura, pagkawala ng gana sa pagkain, pagduwal, pagsusuka, pagbawas ng timbang, pagtatae, sakit ng ulo, o pagkawala ng koordinasyon. Sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko kung ang alinman sa mga epektong ito ay tumagal o lumala. Walang malubhang epekto ang maraming mga tao na gumagamit ng gamot na ito. Ang isang maliit na bilang ng mga tao na uminum ng anticonvulsants para sa anumang kondisyon tulad ng seizure, bipolar disorder ay posibleng maransan ang depresyon, mga saloobin o pagtatangka ng pagpapakamatay, o iba pang mga problema sa kaisipan o kalooban. Kung napansin mo o ng iyong pamilya o tagapag-alaga ang anumang hindi pangkaraniwang o biglaang pagbabago sa iyong kalooban, saloobin, o pag-uugali kabilang ang mga palatandaan ng pagkalumbay, saloobin o pagtatangka ng pagpapakamatay, mga saloobin tungkol sa mapinsala ang iyong sarili ay sabihin agad sa iyong doktor. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga bihirang ngunit napaka seryosong epekto ay nagaganap: mga palatandaan ng impeksyon tulad ng lagnat, paulit-ulit na namamagang lalamunan, sumasakit na namamagang mga kasukasuan, pantal sa ilong at pisngi, matinding pagkapagod, madaling magkapasa o dumugo, mabilis na paghinga. ...


Precaution:

Maaaring maging sanhi ng pagbaba ng maraming uri ng mga cell ng dugo o puting mga selula, mga pulang selula, mga platelet ang Petinutin. Kung mayroon kang anumang hindi pangkaraniwang dumudugo, kahinaan, o anumang mga palatandaan ng impeksyon, kahit na ang mga sintomas na ito ay unang nangyari pagkatapos mong gumamit ng gamot sa loob ng maraming buwan ay tawagan ang iyong doktor kaagad. Ang gamot na ito ay maaari ring magdulot ng pinsala sa atay. Kung mayroon kang mga sintomas tulad ng pagkawala ng gana sa pagkain, sakit sa tiyan, o paninilaw ng balat paninilaw ng balat o mata tawagan ang iyong doktor. Maaari kang magkaroon ng mga saloobin tungkol sa pagpapakamatay habang kumukuha ng gamot na ito. Kailangang suriin ka ng iyong doktor sa mga regular na pagbisita. Huwag palampasin ang anumang nakaiskedyul na mga tipanan. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doctor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».