Prolia
Amgen | Prolia (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Prolia/denosumab upang gamutin ang osteoporosis sa mga kababaihan na sumailalim sa menopausal stage at may mas mataas na peligro ng pagkabali ng buto, ngunit hindi maaaring uminom o kaya ay hindi tumutugon sa iba pang mga gamot para sa osteoporosis. Ginagamit din ito upang mabawasan ang mga pagkabali ng buto na dulot ng cancer na nagsimula sa ibang bahagi ng katawan ngunit kumalat na rin sa mga buto. Ang Prolia ay ini-inject sa ilalim na balat sa itaas na bahagi ng braso, itaas na bahagi ng hita, o kaya ay sa bahagi ng tiyan, isang beses kada 6 na buwan, ng isang propesyonal na healthcare provider sa isang ospital o tanggapan ng medisina. ...
Side Effect:
Kabilang sa mga kinakailangang epekto nito, maaaring din itong maging sanhi ng matinding epekto tulad ng gma sumusunod: isang allergic reaction - pantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o mga pantal; paninigas ng kalamnan o spasms; panginginig sa iyong mga daliri, daliri ng paa, o sa paligid ng iyong bibig; lagnat o panginginig; sobra-sobrang pagpapawis; pagod; pamumula, panlalambot, pamamaga o init sa bahagi ng balat; paglabas ng likido o matinding sakit sa tainga; madalas o biglaang pangangailangan na umihi; nasusunog na pakiramdam kapag umihi ka; sakit, pamamanhid, pamamaga, paglabas ng likido sa bibig, ngipin, o panga; mabagal na paggaling ng bibig o panga; patuloy na sakit, na nagsisimula sa itaas na kaliwa o gitna ng tiyan ngunit maaaring kumalat sa likod; pagduduwal; pagsusuka; mabilis na tibok ng puso. Kung maranasan mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. Ang mga hindi gaanong seryosong mga side-effect ngunit maaaring nangangailangan din ng atensyong medikal kung ang mga ito ay magpumilit o lumala ay ang mga sumusunod: pula, tuyo, o makating balat; pantal; nagnanana o crusty na paltos sa balat; pagbabalat; sakit sa likod; sakit sa iyong mga braso o binti; at sakit ng kalamnan. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng allergy. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: hypocalcemia; anemya; cancer; anumang uri ng impeksyon, lalo na sa iyong bibig; mga problema sa iyong bibig, ngipin, gilagid, o pustiso; anumang kondisyong pumipigil sa normal na pamumuo ng iyong dugo; anumang kondisyong nagpapahina ng iyong immune system; operasyon sa thyroid; operasyon upang alisin ang bahagi ng iyong maliit na bituka; mga problema sa iyong tiyan o bituka na nagpapahirap sa iyong katawan na makakuha ng sapat na nutrisyon; o sakit sa thryoid o bato. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso, hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...