Ramipro

Westfield Pharma | Ramipro (Medication)

Desc:

Ang Rampiro/Rampiril ay nasa klase ng gamot na tinatawag na angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitor na nagbabawas ng mga kemikal na nagpapasikip ng mga daluyan ng dugo, nang makadaloy ang dugo ng mas maigi at mas mahusay magawa ng puso ang trabaho neto. Ang gamot na ito ay maaring gamitin mag isa o kasama ng ibang gamot para sa alapresyon, na nagreresulta sa mas mababang tiyansa ng atake sa puso at stroke. Ang Rampiro ay kailangan ng reseta ng doktor at dapat inumin orally, kahit hindi kumakain, kadalasan dalawang beses sa isang araw, o ayon sa payo ng doktor. Ang dosage ay ibabase sa iyong medical condition at response ng katawan mo sa gamutan. Huwag dadagdagan ang dalas ng paginom at huwag din lalagpasan ang iyong dose ng walang payo mula sa iyong doktor. ...


Side Effect:

Kasama ng mga sinadyang epekto nito, ang Rampiro ay maaring magdulot ng ibang malalang epekto tulad ng: allergic reaction - pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, mukha, paninilaw ng balat o mata, lagnat, sore throat, panginginaw, at iba pang senyales ng impeksyon, pagkahilo, o pagkahimatay. Ang mga mas madalas na epekto, bagama’t hindi kasing seryoso ay: pananakit ng ulo, pagkahilo, ubo, pananakit ng tiyan, pagsusuka, lubhang pagkapagod, o panghihina.

...


Precaution:

Ipaalam muna sa doktor kung ikaw ay allergic sa gamot bago gamitin ang Rampiro. Sabihin din sa doktor kung ikaw ay umiinom ng ibang gamot o ikaw ay mayroon o nagkaroon ng kahit ano sa mga sumusunod: sakit sa puso, atay, o bato; lupus; chleroderma; diabetes; o kondisyon na nagdudulot ng hirap sa paglunok o paghinga at pamamaga ng mukha, lalamunan, dila,labi, mata, kamay, bukung-bukong, o binti na tinatawag na angioedema. Ang Rampiro ay nakakapagdulot ng pagkahilo at pagkaantok, kaya’t huwag magmamaneho at gumamit ng mabigat na makinarya hangga’t hindi ka sigurado na maari mo itong magamit ng ligtas. Limitahan ang paginom ng alak. Hindi nirerekomenda ang Rampiro kung ikaw ay buntis ng walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».