Rhinolast
3M Pharmaceuticals | Rhinolast (Medication)
Desc:
Isang spray sa ilong ang Rhinolast o azelastine na naglalaman ng aktibong sangkap na azelastine hydrochloride, na isang antihistamine. Ginagamit ang gamot na ito sa pag-iwas sa pagbahing, pangangati, Makati o baradong ilong, at iba pang mga sintomas ng mga alerdyi sa ilong. Gumamit ng Rhinolast nasal spray base sa direksiyon ng iyong doktor. Huwag dagdagan ang dosis o dalas ng paggamit nang walang payo ng iyong doktor. Subukang huwag bumahing o magsinga sa iyong ilong pagkatapos mag-spray sa ilong. Sundin nang mabuti ang mga tagubilin sa label para sa tamang paggamit ng gamot na ito. ...
Side Effect:
Ang Rhinolast ay posibleng magdulot ng matinding epekto tulad ng: isang reaksiyong alerdyi kabilang ang pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha; bronchospasm o maigsing paghinga, higpit ng dibdib, paghinga; o mabilis o irregular na tibok ng puso. Humingi kaagad ng tulong medical kung napansin mo ang alinman sa mga ito. Karamihan sa mga kadalsan at hindi gaanong seryosong mga epekto ng gamot na ito ay kinabibilangan ng: isang mapait na panlasa; sakit ng ulo; pag-aantok o pagkahilo; tuyong bibig, namamagang lalamunan; mainit-init ang iyong ilong; tumataas ang timbang; pagduduwal; namumula ang ilong; ubo, pagbahing, runny nose, sipon; o pamumula ng mata. Twagan agd ang iyong doctor kung ang alinman sa mga ito ay tumagal o lumala. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay alerdye dito bago gamitin ang gamot na ito, at sa iba pang mga gamot, o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi. Kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon kang anumang karamdaman ay agad na sabihin sa iyong doktor. Ang Rhinolast ay hindi dapat ibinibigay sa isang batang mas bata pa sa 5 taong gulang. Dapat na itapon sa pang-anim na buwan simula ng unang pagbukas ng spray dahil maaari itong makahawa ng dumi o mikrobyo, ang anumang natitirang spray ng ilong. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...