Testim


Auxilium Pharmaceuticals | Testim (Medication)


Desc:

Ang Testim/ testosterone ay ginagamit para sa pagpalit ng hormone sa lalaki na hindi makapaggawa ng testosterone (e. g hypogonadism). Ang gamot ay sinisipsip ng balat, pumapasok sa daluyan ng dugo at tumutulong sa katawan na maabot ang normal na antas ng testosterone. ...

Side Effect:

Ang pagduwal, pagsusuka, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagka-ubos ng buhok, pagbabago sa sekswal na interes, pamumula/ pamamaga ng balat, pagbabago ng kulay o pagkakaroon tagihawat ay maaring maganap. Kung alinman sa mga epekto ay nananatili at lumala,ay ipaalam agad sa doktor o parmasyutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa bihira ngunit seryosong epekto ay nagaganap: pananakit ng suso/ paglaki, pamamaga ng paa/ bukong-bukong(edema), pagdagdag ng timbang, sobrang mabagal/ mababaw/ at mahirap na paghinga (posible tuwing pagtulog) panghihina. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa bihira ngunit seryosong epekto ay nagaganap: hirap sa pag-ihi pagbabago sa pag-iisip/kalooban (e. g. ,depresyon,pagkabalisa,galit) pagbabago sa laki/ hugis ng testicles, pananakit ng testicle/ paglambot, sakit ng sikmura/tiyan, madilaw na ihi, naninilaw na mata/ balat, pagbabago sa dami ng ihi, malambot na kalamnan ng binti/namamaga/masakit. Sa mga pasyenteng may diyabetis, lalo na sa mga gumagamit ng insulin, ang testosterone ay maaring makapagbaba ng blood sugar. Maging handa sa paggamot ng mababang blood sugar habang umiinom ng gamot. Kabilang sa mga sintomas ng mababang blood sugar ay panginginig, pagkaba, mabilis na pulso, at pagpapawis. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ay kumonsulta sa iyong doktor. ...

Precaution:

Bago gumamit ng Testim ay sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay nakakaranas ng alerdyi dito: o kung ikaw ay mayroong iba pang mga alerdyi. Ang produkto ay maaring may hindi aktibong sangkap( katulad ng toyo), na maaring magdulot ng reaksyong alerdyi o ibang problema . Makipag-usap sa iyong parmasyutiko para sa ibang detalye. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kung mayroon kang mga kondisyong medikal. Bago gumamit ng gamot na ito , ay kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal kung mayroon kang : kanser sa suso ( sa lalaki ) kanser sa prosteyt. Bago gumamit ng gamot, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na : sa problema sa atay,problema sa prosteyt (e. g. , pinalaking prosteyt or BPH ), problema sa puso, problema sa bato, diyabetis , mataas na antas ng kolesterol, sakit sa baga, katabaan , hirap sa paghinga habang natutulog (apnea) mataas na presyon sa dugo, kanser sa buto. Ang direktang paghipo sa bahagi na nilagyan ay maaring makapag expose sa iba sa gamot. Ang mga kababaihan at bata ay kinakailangan iwasan ang paghipo sa hindi nahugas at walang takip na bahagi kung saan ang gamot ay ipinahid. Kung inaasahan mo na magkaroon ng paghipo sa balat sa ibang tao, ang bahagi ng balat sa kababaihan o sa bata ay kailangang mahugasan agad ng maayos ng sabon at tubig. ...